ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Sep. 27, 2024
TANGERE FIRM ‘KASABWAT’ SA PAGPAPABAGSAK KAY VP SARA? -- Sa latest survey ng Tangere firm ay nagsitaasan ang rating nina Pres. Bongbong Marcos (PBBM), Senate President Chiz Escudero at Speaker Martin Romualdez, pero ang rating ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio ay bumagsak.
Naku ha, tila kasabwat itong Tangere firm sa pagpapabagsak kay VP Sara kasi mantakin n’yo, sa apat na mataas na opisyal ng bansa, bukod tanging ang rating lang ng bise presidente ang bumagsak, boom!
XXX
KAMOT-ULO ANG MGA BOBOTANTE KASI NANIWALA SA FAKE NEWS NA MABIBIGYAN SILA NG ‘TALLANO GOLD’ -- Nagbenta ng mga gold bar ang Bangko Sentral ng Pilipinas para pandagdag-pondo sa pamahalaan.
Tiyak kamot-ulo ngayon ang mga bobotante sa isyung ito, kasi naniwala sila noong panahon ng 2022 presidential election sa ipinakalat na fake news sa social media ng mga bayarang vlogger na kapag nanalong presidente raw si BBM (Bongbong Marcos) ay mamimigay daw ito ng tig-isang Tallano gold bar sa bawat pamilyang Pilipino, pero ang masaklap, nang maging pangulo ay walang nabalitang may ipinamigay na ginto si PBBM, at sa halip ang nabalitaan nila ay nagbenta ng gold bars ang BSP, period!
XXX
COMELEC, DAPAT SISIHIN SA PAGDAMI NG POLITICAL DYNASTY SA ‘PINAS --Nagkalat na ngayon sa social media ang partylist na inaprub ng Comelec na lumahok sa 2025 midterm election, at kung titingnan ang mga nominado nito, ilan sa kanila ay misis at anak ng mga senador at kongresista.
Isa iyang Comelec sa dapat sisihin kung bakit sandamakmak ang political dynasty sa ‘Pinas kasi imbes i-reject ang partylist ng mga magkakapamilyang pulitiko, ang ginagawa ay aprub nang aprub, buset!
XXX
HINDI DAPAT NAGPASA NG ‘CARLOS YULO DAY’ ANG MANILA DAHIL TUWING AUG.
4 MAAALALA NG PUBLIKO NA MAY ATLETANG SUWAIL NA ANAK, NAGTAKWIL SA PAMILYA -- Hanggang ngayon ay hindi pa rin pinagbibigyan ni 2 gold medalist Carlos Yulo ang pakiusap sa kanya ng amang si Mark na mag-sorry siya sa mama niya na sinabihang magnanakaw ni Caloy.
Tama si Manila Councilor Lou Veloso na hindi dapat nagpasa ng ordinansang “August 4 Carlos Yulo Day” ang Manila local government unit (LGU) sa pamumuno nina Mayora Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo kasi napakatigas ng puso ni Caloy at hindi talaga katanggap-tanggap na tuwing sasapit ang Aug. 4 kada taon ay sini-celebrate ng Manila ang “Carlos Yulo Day,” dahil pagpapaalala lang ito sa atletang suwail na anak, nagtakwil sa pamilya, period!
留言