ni Ambet Nabus @Let's See | June 5, 2024
Binawi ni Meme Vice Ganda ang apology na kanyang ibinigay kay Axl Cruz, searchee sa Expecially For You segment ng It's Showtime after ngang mag-post si Christine (ang searcher) na okay naman siya at parang ipinagtatanggol pa nga niya ang umano’y lalaking nagtangkang nakawan siya ng halik.
Kahapon, June 4, bago natapos ang It’s Showtime program, nagbigay ng statement ang programa sa pamumuno ni Vice na after talking to the both parties at ikonsulta sa kanilang resident psychologists, ginawa nga ni Vice ang pagbawi sa kanyang apology.
After all, tama naman pala ang naging pagsita nila sa searchee lalo’t biglang kumambiyo itong searcher na babae na nagkaroon nga siya ng uncomfortable feeling sa sinasabing ‘tangkang pagbeso’ ni lalaki without even asking her permission.
Nakapagtataka lang na may sarili umanong dahilan si girl kung bakit nagawa niyang mag-post sa TikTok gayung may katotohanan naman pala ang naging obserbasyon nina Vice at mga co-hosts nito.
Nakiusap din si Vice na huwag nang i-bash ang dalawa dahil may mga sari-sarili ring pinagdaraanan ang mga ito.
“Okay lang na ako ang i-bash nila, sanay na ako,” sey pa ni Vice na gusto naming papurihan dahil once again ay nagpakita siya ng pagiging makatao after niyang agad na mag-sorry nang mag-post nga si girl.
Pero dahil sila naman pala ang ‘tama’ at sa pagkonsulta nila sa kanilang mga bosses sa production at psychologists, pinaboran ng mga ito ang hakbang nilang bawiin ang naunang paghingi ng apology.
‘Yun nga lang, sana raw ay hindi ito parte lang ng isang mas malaking palabas o paandar dahil sa mga kagayang segments na nagbibigay ng opinion at usaping personal (love life), nakabukas ang lahat sa paghuhusga.
Comments