top of page
Search
BULGAR

Talong, good sa heart, pampatalas pa ng memorya

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | August 5, 2020




Ang talong o eggplant.


Ang talong ay pangkaraniwang gulay at araw-araw, puwede itong mabili sa palengke, kumbaga, parang regular item o product ang talong sa merkado.


Marami ang nag-aakalang hindi naman espesyal ang talong. Ibig sabihin, hindi ito kabilang sa mataaas na klase ng gulay, pero magugulat at mapapa-wow ka dahil mas mahusay ito kung ikukumpara sa mga gulay na ginagamit bilang herbal medicine.


Tingnan mo, ang sakit na anemia, pangkaraniwan lang ba? Siyempre, hindi dahil ang totoo, takot ang mapasasaiyo ‘pag narinig mo pa lang ang salitang anemia.


Sa pagkain ng talong, maiiwasan ang pagkakaroon ng anemia, kaya magandang makasanayan ng lahat ang pagkain nito.


Kapag kulang ang tao sa iron, siya ay magkakasakit ng anemia at madarama niya na madali siyang mapagod kung saan ang dahilan ay ang kakulangan niya sa red blood cells, na siyang nagdadala ng oxygen sa buong katawan.


May isa pang hindi pangkaraniwang sakit na nalulunasan ang pagkain ng talong at ito ay ang paghina ng memorya na ikinokonsiderang mental health problem.


Pero sa pagkain ng talong, lumalakas ang memorya ng tao. Ito ay dahil sa mga phytonutrients na nakukuha rito. Ito ay magreresulta ng mataas na antas ng blood flow o pagdaloy ng dugo sa utak, kaya mas sisigla at lalakas ang utak.


Kitang-kita na ang talong na akala ng marami ay pangkaniwang gulay ay may nakagugulat na medicinal benefits sa atin.


Narito pa ang ilang sakit na nalulunsan ng pagkain ng talong:

  • Gamot sa hindi matunawan

  • Nagpapababa ang cholesterol kaya maganda sa puso ang pagkain ng talong

  • Gamot para labanan ang pagkakaroon ng cancer

  • Tumitibay ang mga buto

  • Nagpapalinaw ng paningin o mga mata

  • Nagpapapayat o laban sa pagtaba

Gayunman, narito ang ilang mga sustansiyang makukuha sa pagkain ng talong:

  • Magnesium

  • Phosphorus

  • Potassium

  • Folate

  • Choline

  • Beta carotene

DAGDAG-KAALAMAN: Kung nakadarama ka ng panghihina ng katawan, katasin ang talong sa juicer at ito ang inumin sa buong maghapon at bago matulog.

Good luck!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page