ni Rohn Romulo - @Run Wild | October 4, 2022
Nawindang ang madlang pipol nang ilabas na ang ticket prices sa upcoming reunion concert na ERASERHEADS: Huling El Bimbo sa December 22, 2022 na gaganapin sa SMDC Festival Grounds, Parañaque City.
Ang dalawa sa pinakamahal ay nagkakahalaga ng P17,260 (Moshpit) at P14,610 (VIP) at ang pinakamura naman ay P3,050 (Bronze) na sobrang layo. On sale na ito today (Wednesday), simula 10 AM.
Ang wa-wild ng reaction ng mga netizens, dahil sa tingin ng iba ay overpricing at ang lakas maka-international artist ng Eraserheads, na posible nga bang last reunion concert na nila ito, kaya itinodo na.
May napamura, nagbibirong magbebenta ng kanilang good condition na kidney or manonood na lang sila next time or sa next life na lang, dahil can't afford nga at hindi talaga pang-masa ang presyo ng tiket.
Comments nga nila…
"For P17K, I would expect nothing less than a lap dance from Ely, and he has to do it With A Smile."
"Nakita kasi nilang kayang gumastos ng mga Pinoy nang ganyan prices para sa international acts, haha..."
"Pinakamahal na ticket sa concert dapat ni Alanis sa Nov. is P13k++. Alanis is known globally.
So this? Seriously?"
"It's all for money not the craft."
"Nahiya naman 'yung 'The Script' (na nag-concert sa MOA na P8K+ lang VIP, at P1K ang GA)."
"WTF! Tapos, open-air grounds pa. Mag-disband na lang daw ulit kayo, then back to normal life. (laughing emojis)."
Say naman ng isang netizen, "What a nice way to limit the audience and promote social distancing."
May isa ring nag-comment ng, "Hopefully, mag-concert din dito around Europe ang Eheads para naman maka-watch din kami!"
May nagtanggol naman na kung nakakabili ang Pinoy ng mas mahal na tickets ng foreign artists, bakit nga naman hindi puwedeng gawin sa isang local artist or group na tulad ng Eheads?
"Napakahirap nilang buoin. Hindi naman kasi din 'yan ginawa lang overnight, pinag-isipan nang taun-taon 'yan. It's not just about money, PUSO inilagay ng producers para mabuo 'yan.
"Let’s just support our locals. If we can afford to spend $$$ sa K-pop’s and international, then maybe we can afford to our locals. 'Pinoy lang 'yan, bakit ganyan presyo?' Ganu'n ba talaga kababa ang tingin natin sa sarili nating bansa?"
May nag-estimate na kung totoong 50,000 ang capacity ng venue ay milyun-milyon talaga ang kikitain ng concert at malaking tax din ang mapupunta sa kaban ng siyudad.
Anyway, sa hindi nga makakapanood ng much-awaited concert, "team bahay" na lang sila at aabangan na lang ang FB live at YouTube, na for sure, may mag-a-upload naman after ng pinag-uusapang concert nina Ely Buendia.
Comments