ni Julie Bonifacio @Winner | December 23, 2022
Isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa amin mula kay Direk Lino Cayetano nu’ng magkita kami after so many years sa presscon niya and his co-producers para sa pelikula nila, ang Nanahimik ang Gabi na kabilang sa mga ipapalabas sa darating na Metro Manila Film Festival simula sa December 25.
Ang Nanahimik ang Gabi ay ipinrodyus ng Rein Entertainment kung saan ang executive producers at founder ay sina Direk Lino, Philip King and Shugo Praico.
Si Shugo ang sumulat at nagdirek ng Nanahimik ang Gabi na isang suspense-thriller film. Lead stars dito sina Ian Veneracion, Mon Confiado at Heaven Peralejo.
Ayon kay Direk Lino, "Ito, parang one weekend getaway that turned into a nightmare. ‘Yung ano rito, walang sikreto ang hindi nabubunyag. Parang ano rin kasi siya, eh, cautionary tale.”
Target nina Direk Lino na mapanood ang Nanahimik ang Gabi ng mga estudyante.
“We think young people will really enjoy watching it. Kasi maraming desisyon ang mga bata ngayon na tingin natin, kailangang pag-isipan nilang maigi ang magiging consequences bago nila gawin.”
Nag-research daw ang grupo nina Direk Lino and Direk Shugo about sugar baby sa web na some are part na pala ng culture nila ang may sugar babies, sugar daddies.
Para kay Direk Lino, magandang pag-usapan at pasukin ang topic tungkol sa buhay ng mga sugar baby.
“‘Yung pag-usapan lang sa panahon ngayon, ‘yung consciousness ng mga tao sa desisyon nila, eto, tulad nito, ‘yung character ni Heaven na si Me-Anne, alam niya ‘yung gusto niya, eh.
Sa trailer pa lang, sinabi niyang 'Gusto ko ng condo.' So, masarap himayin at pag-usapan.”
Naugnay din ang paksa ng Nanahimik ang Gabi sa salitang "compromise". Kaya naitanong kay Direk Lino kung hindi siya nagsisi sa mga compromise na ginawa niya sa kanyang love life?
Or had he known it, sana, hindi na lang niya ginawa before?
“Sa lahat naman ng nakarelasyon ko nu’ng nakaraan, ako naman ‘yung nasaktan. Kumbaga, basta hindi ako nakasakit ng iba. I think, ‘yun lang siyempre, time with family. Uhm, maybe I could have been a better boyfriend, ‘di ba?
“Pero I think, importante rin ang trabaho natin. Like, kayo ‘di ba, ‘yung realization natin how media is such major component in our work, in our industry.
“'Yung pelikula namin, alam naming maganda. We have international theatrical screening lined-up. Hindi po siya special screening. It will be released theatrically abroad after MMFF,” lahad ni Direk Lino.
Ngayon pa lang ay marami na ang nagkakainteres sa Nanahimik ang Gabi na mapanood din sa ibang bansa.
“Alam namin na maganda ‘yung pelikula. Pero kung wala kayo, hindi namin maikukuwento sa tao from cinematography to production design ano ho, it’s something that we can be proud of.
And I think ‘yun 'yung excited kami sa MMFF this year.
“Kausap ko si Direk Paul (Soriano) nu’ng isang araw, ka-ano ko rin ‘yung Star Cinema, parang sana talaga, ang MMFF na ‘to, manalo lahat, ‘di ba? Parang celebration ng Philippine cinema.
Sana, bumalik ang mga tao,” dasal pa ni Direk Lino.
Naikuwento naman ni Direk Shugo ang nangyari sa ginanap na float parade ng mga entries sa MMFF.
“Ang dami pong tao and parang nasabik silang makita ulit ang parada ng MMFF,” sey ni Direk Shugo.
Ano ang chance ni Ian to win the Best Actor award sa MMFF?
“I think traditionally the drama movies get the award. So, kami naman, tingin namin, Ian, Mon, Heaven, they deserve to be nominated. They deserve recognition. Pero ano, eh, MMFF is a showcase of all Filipino actors and actresses, eh.
“Traditionally, nakikita ko, nakukuha ‘yan sa mga dramas. Pero we’re so proud of their performances. I think whether here or abroad, definitely mananalo sila ng award sa pelikulang ito. The script as well and the direction, the cinematography, the production design para po siyang… it's really a very well-put together film,” diin ni Direk Lino.
Kumusta si Heaven sa movie?
“Sobrang galing,” mabilis na sagot ni Direk Shugo. “Nag-mature na siya as an actress. Siguradong magugulat ang mga tao kay Heaven sa movie dahil sa lawak ng range ng performance niya.”
Say naman ni Direk Lino, “I texted Direk Lauren and Tita Cory, 'You’ll be proud of Heaven.' Ang galing niya rito. Parang alam n'yo po, when you watch a Lorna (Tolentino), an Alma (Moreno) na ST, sexy, ‘di ba?
“Pero hindi ko po sinasabing ka-level ni Ms. LT, hahaha! Iba si Ms. LT."
How daring si Heaven sa Nanahimik ang Gabi?
Tugon ni Direk Shugo, “Psychologically sexy. It’s implied. But ‘yung kilos niya at ‘yung dynamics niya with Ian… sobra ang ano ni Heaven dito. Challenging kasi ‘yung role.”
Comments