ni Lolet Abania | August 13, 2020
Patok ang Pinoy food na nagmula sa Dumangas, Iloilo dahil sa natatanging recipe nito sa gitna ng quarantine sa iba't ibang panig ng bansa, ito ang "Talaba Pizza."
Gawa ang Talaba Pizza ng isang residente ng lugar, na nagnais matulungan ang mga kababayang workers at negosyante na natigil ang trabaho dahil sa lockdown.
Sa kuwento ni Benjielyn Pan, nalaman niyang wala nang mapagbentahan ng talaba ang mga vendor sa kanilang lugar dahil sarado ang mga restoran, wala na ring bumibili nito sa kanila at suspendido ang serbisyo ng mga ro-ro.
"Isa talaga sa mga paborito ko ang talaba. Nagdasal ako, humingi ako ng wisdom sa Panginoon para maka-generate ako ng income sa gitna ng lockdown at the same time makatulong sa kabuhayan ng mga kababayan ko," sabi sa wikang Ilonggo ni Pan.
Sa sarap ng Talaba Pizza, marami ang nagte-take out order na customer sa kanya. Mayroon itong butter, cheese, talaba, bell peppers, garlic, at iba pang sangkap at siyempre ang secret recipe niya.
Gayundin, araw-araw mahigit 200 orders ang natatanggap ni Pan, na sadyang nakatulong sa kanilang pangangailangan.
Dagdag pa ni Pan, nakakapagbigay pa siya ng trabaho sa mga kababayan.
Sa kasalukuyan kahit may pandemya, nakapag-branch out na siya sa Passi City, Guimaras, at Calinog.
Comments