top of page
Search
BULGAR

Takot nang maagawan uli… BEA, LAGING NAKAPULUPOT AT NAKA-KISS KAY DOMINIC

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 11, 2021




Maraming nakakapansin na sa bawat larawan na magkasama ang magdyowang Bea Alonzo at Dominic Roque, laging si Bea ang nakapulupot sa boyfriend. Nasasagwaan na raw sila sa ikinikilos ng aktres.


Dinaig pa raw ni Bea si Julia Barretto sa mga photos nitong kasama ang boyfriend na si Gerald Anderson na kanyang ex.


Like ang larawan nina Dom at Bea kung saan nakakandong ang aktres sa boyfriend, maraming netizens ang nasagwaan sa larawang 'yun.


Hindi naman daw masama na ipakita ni Bea ang kanyang pagmamahal sa boyfriend, pero parang one-sided lang ang nakikita ng mga netizens.


Laging si Bea raw ang nakikitang nakapulupot sa aktor o 'di naman daw laging naka-kiss.


Hindi man lang daw nila makitang nakaabrisiyete ang aktor sa girlfriend at wala man lang kuhang larawan na si Dominic mismo ang kumi-kiss sa girlfriend.


Tuloy, mukhang si Bea raw ang patay na patay sa aktor.


Well, showy lang siguro si Bea sa pagmamahal niya kay Dom.


Anyway, ginagawa siguro ni Bea 'yun dahil ayaw na niyang maulit ang nangyari na baka isang araw, paggising niya ay wala na uli sa kanyang tabi ang boyfriend.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page