top of page
Search
BULGAR

Takot na takot na na-COVID habang nasa taping... YASMIEN, NILAGNAT, SINIPON, INUBO AT

NAG-LBM 2 WEEKS AFTER MAGPABAKUNA.


ni Nitz Miralles - @Bida | August 13, 2021




Umiiyak si Yasmien Kurdi nang ikuwento ang pagkakasakit niya habang nasa locked-in taping ng Las Hermanas at ang takot na baka Covid ang tumama sa kanya.


Kuwento ni Yasmien, sinipon siya at sobrang congested ang ilong niya. The next day, inubo naman siya at dry cough pa. Buong araw din siyang nag-LBM, super-duper diarrhea raw, mga sintomas ng Covid.


Nagdasal daw siya na sana, hindi Covid-19 ang tumama sa kanya, at inisip pa rin nito ang taping na baka matigil dahil sa kanya.


“Ayokong isiping Covid at baka magkahawahan kami sa set. They decided na magkaroon ako ng bed rest which is sobrang thankful ako sa Las Hermanas team,” sabi ni Yasmien.


Para makasiguro, nagpa-RT-PCR test si Yasmien at habang hinihintay ang resulta, muli siyang nagkasakit at kinailangang mag-nebulizer.


“Nagpa-consult ako sa doctor and then ang sabi sa akin is hindi raw siya nag-cause dahil sa asthma ko kung hindi dahil siguro naka-attract ako ng infection.”


Laking pasasalamat ni Yasmien na negative ang result ng swab test niya at nang gumaling, balik-taping uli siya.


Bakunado na si Yasmien at hindi rin siya naniniwala na dahil sa vaccine jab kaya siya nagkasakit dahil two weeks ago pa siya nagpabakuna.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page