top of page
Search

Takot na takot daw, nanginginig pa… SHARON, HUMINGI NG DASAL DAHIL MAGPAPA-DENTISTA

BULGAR

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 9, 2022




‘Kaaliw si Sharon Cuneta na nag-video pa habang nasa dentista para ipaalam na super afraid siya at ipagdasal daw siya.


“Please pray for me. Am about to get a root canal now!” ang caption ni Megastar sa video na ipinost sa IG.


Sa video ay makikitang nakahiga na siya sa dentist’s chair at mukhang all-set na for a root canal. Pero, nakakatuwang nakuha pa niyang mag-video.


“I’m nanginginig,” sey ni Shawie.


Pati ang dentista ay natatawa na lang sa kanya.


Naroroon din ang isa niyang sister-in-law na family dentist daw talaga nila pero for the root canal ay iba ang gagawa.


“Ate, I need your moral support to hold my hand,” sey niya sa kanyang hipag.


“I’m here in St. Luke’s in BGC, natatakot. Please pray for me. I’m not matapang sa dentista. And I haven’t had a root canal since decades ago, I don’t remember,” sey pa ni Mega.


Sa comment section ay nag-react ang kanyang anak na si Frankie Pangilinan.


“MOMMY ?/!:?” komento ni Frankie.


Sagot naman ni Sharon, “Babaaaaaaaaaaaaaaaa.”


Pinalakas naman ang loob niya ng kanyang mga Sharonians at sinabihan siyang kayang-kaya niya ito. Ang dami ring nagpahatid ng kanilang mga dasal at suporta.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page