top of page
Search
BULGAR

Takot mawalan ng trabaho dahil magbabawas ng empleyado

Dear Roma Amor - @Life & Style | July 5, 2020




Dear Roma,


Ako si Ana, 28 at nagtatrabaho sa isang printing shop. Sa totoo lang, natatakot akong mawalan ng trabaho dahil noong nag-lockdown, nagsara ang shop kaya “no work, no pay” ang siste. Mabuti na lang, nakatanggap kami ng ayuda at ngayong nagbukas na ulit ang shop, kakaunti lang ang kita at sabi ng boss ko, lugi pa siya sa pagpapasuweldo sa amin. Ang sabi tuloy ng mga kasamahan ko, posibleng magbawas ng empleyado sa amin dahil hindi pa nakakabalik sa normal ang kita. Ang ikinakatakot ko, baka masama ako sa mawawalan ng trabaho. Sa hirap ng buhay ngayon, hindi ako puwedeng mawalan ng pagkakakitaan. –Ana


Ana,


Tulad ng sinabi mo, sabi-sabi lang ang posibilidad na pagbabawas ng empleyado kaya hangga’t hindi pa ito kinukumpirma ng boss mo, ‘wag ka munang mag-alala. Sa ngayon, magpokus ka sa iyong trabaho o maghanap ng iba pang pagkakakitaan o sideline. ‘Wag kang maging nega at ipagdasal mo na bumuti ang sitwasyon para bumalik sa normal ang lahat at walang mawalan ng hanapbuhay. Kaya mo ‘yan, good luck!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page