top of page
Search
  • BULGAR

Takot ma-bash, Kim… XIAN AT IRIS, 'DI MAIDISPLEY ANG RELASYON SA 'PINAS

ni Nitz Miralles @Bida  | June 7, 2024






Ang OA ng nag-comment na mukhang ngarag si Xian Lim sa video na ipinost ni Iris Lee sa kanyang Instagram Stories para sa birthday celebration ng huli. 


Mahaba lang ang buhok ng actor-director, ngarag na? Makikita naman sa video na happy si Xian at nanguna pa sa pagkanta ng "Happy Birthday" para kay Iris.


Sinabayan si Xian sa pagkanta ng Happy Birthday ng mga waiter at mga staff ng restaurant kung saan sila nag-dine ni Iris ng steak at cake na nakita namin sa table na pinagsaluhan ng dalawa.


Simple lang ang caption ni Iris sa kanyang post na: “Quick dinner to welcome a new year for me.” 


Nalulungkot lang ang mga fans ni Xian na hindi nila mai-flex ang relasyon nila rito sa 'Pinas. Mabuti pa raw noong nasa Cannes Film Festival sila, nakapaglakad sila in public na walang maghe-heckle. ‘Yung bashing, hindi na yata mawawala.


Samantala, interesting ang poster ng movie na Kuman Thong na directed by Xian at kinunan sa Thailand. Kasunod ito ng Playtime na actor naman siya. 


Sunud-sunod pa rin ang projects ni Xian at parang mali ang sinasabi ng mga bashers nito na laos na siya.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page