top of page
Search
BULGAR

Takot ka ba dahil baka ‘di mo kaya? Alamin: 5 benepisyo ng solo living

ni Mharose Almirañez | November 6, 2022



Sa ibang bansa, kusa nang humihiwalay sa puder ng mga magulang ang isang anak sa oras na tumuntong siya sa hustong gulang. Bumubukod siya ng tirahan at nagtatrabaho upang matutunang tumayo sa sariling mga paa. Sa madaling salita, ayaw na niyang maging pabigat sa kanyang mga magulang.


Samantalang sa ‘Pinas, kadalasan, nagkaanak o nagka-pamilya na ang isang indibidwal ay nakatira pa rin sa mga magulang niya. Ang masaklap, mga magulang pa niya ang kumakayod para lamang buhayin sila ng kanyang anak.


Malaking “No” talaga sa extended family kahit na sabihin pang, “The more, the merrier.”


Siyempre, kung ikaw ay nasa early adulthood, paano ka magkakaroon ng peace of mind kung kasama mo sa bahay ‘yung tiyahin mong palaging may sey sa bawat kilos mo? Maibibigay ba nila ‘yung privacy na hinihingi mo kung pati personal life mo ay gusto rin nilang panghimasukan? Hays, mapapa-“Sana all, may sariling bahay” ka na lamang talaga!


Actually, beshy, hindi naman mahirap kumawala sa extended family. So what kung minimum wage earner ka? FYI, sa tamang pagba-budget lang ng sahod ay paniguradong kering-keri mo namang makapag-rent ng apartment mag-isa. Sounds good, right?


Hindi naman sa hinihikayat kitang mamuhay mag-isa, pero dapat mo rin isaalang-alang ang ilang perks of solo living:


1. MAGKAKAROON NG LEISURE TIME. Puwede kang gumala nang walang inaalalang curfew. Puwede kang tumutok sa cellphone o computer nang hindi iniisip ang sermon ni nanay. Puwede mo ring itambak ang mga hugasin sa lababo at intindihin kapag feel mo nang maghugas ng pinggan. Puwede kang kumain anytime, gumising sa tanghali o matulog nang madaling-araw. In short, hawak mo ang oras mo.


2. MAS NAGIGING RESPONSABLE. Hindi naman sa tino-tolerate ko ang katamaran mo sa gawaing bahay, pero siyempre, alam kong pagod ka rin sa pagtatrabaho, kaya paniguradong gusto mo lamang sulitin ang sandaling oras na namamalagi ka sa ‘yong apartment. Since you’re living on your own, alam mong wala namang ibang gagawa ng household chores para sa iyo, kaya sa huli ay ikaw pa rin ang magluluto, maghuhugas, maglalaba, maglilinis, maggo-grocery at magbabayad ng bills— para sa sarili mo.


3. PAG-ALIS SA COMFORT ZONE. Para kang sisiw na nakawala sa sariling shell, ‘ika nga. Magugulat ka na lamang na kaya mo pa palang higitan ‘yung bagay na nakasanayan mong gawin. ‘Yung tipong, willing ka nang mag-take ng risk at mag-explore ng something new. Sa oras na mamuhay kang mag-isa, siguradong dito mo talaga madi-discover ang iyong sariling kakayahan.


4. MAGKAKAROON NG PRIVACY. Puwede kang ngumiti hanggang tainga kapag kinikilig ka sa ka-chat mo. Puwede ka ring humagulgol tuwing umiiyak kapag nasasaktan ka. Meaning, puwede mong i-express ang iba’t ibang emosyon mo sa loob ng iyong silid, hindi tulad noong kasama mo pa sa bahay ang mga kamag-anak mo. ‘Yung tipong, kaunting ngiti lang ay sasabihin na sa ‘yong, in love ka na. Pero ang pinakamahirap ay ‘yung gusto mong humagulgol, pero mga pigil na paghikbi lamang ang nagagawa mo dahil ayaw mong marinig ng mga kasama mo sa bahay na umiiyak ka.


5. MAY PEACE OF MIND. ‘Yun bang, mas nakakatulog ka nang payapa dahil hindi mo na naririnig ang paulit-ulit na sigawan, sumbatan, bilangan at murahan sa dati n’yong bahay. Wala na ‘yung tito mo na daig pa ‘yung dyowa mo sa pagiging toxic. Hindi mo na rin kasama ‘yung tita mo na walang ibang bukambibig kundi pera. In short, nakalayo ka na sa negativity.


Ilan lamang ‘yan sa mga dapat isaalang-alang sa oras na simulan mong mamuhay mag-isa. Pero siyempre, rito rin masusukat ang iyong talino at tapang. Paano ka ba didiskarte sa buhay nang hindi umaasa sa iba? May sapat ka bang lakas ng loob para makipagtransaksyon ng libu-libong pera sa landlord na kakakilala mo lang? Paano kung dumating sa point na na-delay ang sahod mo, kaya delayed din ang pambayad mo ng renta and utility bills? Naka-ready na ba ‘yung pride mo para magmakaawa kay landlord kung puwede nitong i-extend ang due date?


Higit sa lahat, what if nagkasakit ka? Sigurado ka bang kaya mong pagalingin ang iyong sarili without asking help from your relatives? Kaya mo na bang matulog mag-isa na hindi hinahanap ang init ng yakap ni nanay?


Kung ang sagot mo ay “No,” mainam kung basahin mo muling maigi ang mga nakasulat sa itaas.


Okie?

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page