top of page
Search

Takot daw sa kasal… SIGAW NI KC: AKO MUNA ANG MANG-IIWAN SA LALAKI BAGO AKO IWANAN

BULGAR

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 1, 2020




Sa interview kay KC Concepcion sa Facebook Live ni Miss Mela Habijan para sa online show na 3Some, napag-usapan ang love life ng aktres.


Open book naman na marami-rami na ring naging BF si KC, pero lahat ay nauuwi sa hiwalayan.


Sabi ni KC, nakapag-move on na siya dahil hindi naman bawal ang mag-move on at mag-forward and mag-let go.


At kung may matinding nagawa raw ang kanyang ex-BF, willing siyang mag-forgive, "Pero hindi ako nakakalimot," dagdag niya.


Iba raw kasi 'yung "mabait na tao" sa "mabuting tao".


Sa edad daw niya ngayon, may insecurities pa rin siya.


Esplika ni KC, “I mean during the quarantine, parang… I'm really KC na… I grow up takot sa marriage, takot sa lalaki, parang feeling ko, bago nila ako iwanan, iiwanan ko muna sila. Ako na ang mauuna.


“Now I know the value of having a good partner, a boyfriend or a husband.”


Inamin din ni KC ngayong nasa 30s na siya na “Maybe the time to settle down… more than enough… I will be better…


“Ready to settle down… I think so... I think so. Don’t be afraid to open yourself to the people.


“Masarap ang feeling na ma-in love kahit masaktan ka… kahit nasa ibang dimension, ha?”


Kinumusta rin ang lagay ng puso niya ngayon.


“Full of wisdom,” aniya.


As a dish, what is Kristina Cassandra Concepcion?


“I would be a chocolate chilly cake… akala mo expected, pero unexpected.”


Kahit fulfilled na si KC, may gusto pa rin siyang maabot sa buhay.


“I wanna learn more about business. About retailing…”


Ang kanyang hope?


“Is that really life talaga, find a real person who love me… Maka-build ng beach house na nakikita mo na may mga kids na tumatakbu-takbo.”


Ten years from now, if she's going to do this again... ano ‘yun?


“To be… Simply KC (title ng show niya noon sa ABS-CBN)… I was saying don’t lose that spark… don’t lose excitement from past, no matter what… Who would I be kung ‘di nangyari 'yung time na 'yun?


“Ten years from now, the same thing… surround yourself with the people… friends.. family…”

"If you are a mother, what is the most important lesson that you would want to tell them?" tanong kay KC.


“Lesson… I would say don’t be afraid of people and situation… always take care.. but the most important is don’t be judgmental.”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page