top of page
Search

‘Taklesang’ si PCO Usec. Castro, supalpal kay VP Sara

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 26, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

DAPAT I-DISQUALIFY NA NG COMELEC ANG MGA FAKE PARTYLIST --Nanawagan ang mga progressive youth organizations sa Comelec na i-disqualify ang fake partylists.

Ang mga fake partylists ay ‘yung mga partylist na ang nominado ay puro kapamilya ng mga trapo (traditional politicians), mga kontraktor at mayayamang negosyante.


Sa totoo lang, maraming partylist ang nag-apply sa Comelec na ni-reject ng komisyon.

Ibig sabihin, puwede namang i-reject ng poll body ang mga partylist ng mga trapo, kontraktor at mga rich, pero hindi nila ginawa at sa halip pinayagang lumahok sa halalan, buset!


XXX


TAKOT SI PBBM MAGING PRESIDENTE SI VP SARA, KAYA IPINAHULI SI EX-P-DUTERTE AT HINAYAANG MAKULONG SA ICC JAIL -- Ayon kay Davao Del Norte Rep. at former Speaker Pantaleon Alvarez, ang patuloy na pagtaas ng rating ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio sa 2028 presidential election ang nakikita niyang dahilan kaya hinayaan ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na dakpin ng PNP si ex-P-Duterte at i-turnover ito sa Interpol, at nakulong ang dating pangulo sa International Criminal Court (ICC) jail.


Hirit pa ni Alvarez, pagpapakita raw ito na sobrang laki ng takot ng Marcos admin kay VP Sara, na frontrunner sa 2028 election, period!


XXX


‘TAKLESANG’ SPOKESPERSON NG MALACAÑANG, PINATULAN AT TINARAYAN NI VP SARA -- Pinatulan ni VP Sara ang ‘taklesang’ spokesperson ng Malacañang na si Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro.


Matapos kasing sabihin ni Usec. Castro na si ex-P-Duterte ay dapat ikumpara kay Adolf Hitler at hindi kay former Sen. Ninoy Aquino, ang resbak na ‘pagtataray’ sa kanya ni VP Sara ay kahit ano pa raw ang sabihin nito, hindi na mabubura sa kasaysayan ng Pilipinas na pinatay ang dating senador sa panahon ng administrasyon ng ama ni PBBM, boom!


XXX


DAPAT IMBESTIGAHAN DIN NG KAMARA ANG MGA NAGPAKALAT NG FAKE NEWS NA HUMINGI RAW SI EX-P-DUTERTE NG ASYLUM SA CHINA -- Sa next hearing ng House Tri-Committee patungkol sa fake news vloggers ay dapat imbitahan at imbestigahan din nila ang vloggers na nagpakalat ng fake news na kesyo humingi raw ng asylum si ex-P-Duterte sa China para makaiwas sa warrant of arrest ng ICC.


Matapos kasing pabulaanan ni Atty. Silvestre Bello III ang isyung ito, mismong Chinese gov’t. na ang nagsabi na hindi humingi si ex-P-Duterte ng asylum sa China, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page