ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 4, 2025
Photo: Shan Cai - Barbie Hsu / IG
Nabigla ang marami sa pagkalat ng balita tungkol sa pagpanaw ng Taiwanese superstar na si Barbie Hsu kahapon.
Si Barbie ay naging iconic sa mga Pinoy dahil sa pagganap niya bilang si Shan Cai sa megahit series na Meteor Garden (MG) noong early 2000.
Pumanaw sa edad na 48 ang aktres habang nasa kalagitnaan ng trip sa Japan dahil sa flu-related pneumonia.
Sabi ng kapatid ni Barbie na si Dee Hsu, “Thankful to have been her sister in this life. I will always miss her.”
Kabilang sa mga nabigla at nalungkot ay ang It’s Showtime (IS) host na si Kim Chiu. Sa kanyang X (dating Twitter) account, nag-post si Kim ng kanyang pagkalungkot sa pagpanaw ni Barbie.
Post ni Kim sa X:
“OMG!!!!!! (shocked emoji). Naalala ko after school, magmamadali ako umuwi para mapanood lang ang Meteor Garden. ‘Pag ‘di ko na maabutan, makikinood ako sa karinderya sa labas ng school namin. OMG!!!! I love you, San Chai!!!! May you rest in peace! Thank you sa makulay naming childhood. Pigtail braids!”
Maraming netizens ang naka-relate kay Kim sa kanyang mensahe.
Sey nila: “Our original queen (crown emoji) of Asian drama, rest in peace (dove emoji) Shancai!! Thank you for making our childhood unforgettable teenage memories. Noon, galing school, nagmamadali umuwi para makapanood Meteor Garden tuwing hapon!
Pinakasikat na Asian drama sa Pilipinas noon (teary-eyed emoji).”
“Same! Nagmamadali kami umuwi galing school (elementary days), tapos after ng episode, labasan kami magpipinsan sa kani-kanyang bahay, magkukuwentuhan sa nangyari tapos kilig na kilig kami. Those were the days! Nakaka-miss. RIP, Shancai! (white heart emoji).”
“Relate, girlie! Bumili pa ako ng posters at first-ever Song Hits ko dahil sa Meteor Garden OST at F4 songs. RIP OG FL Shan Cai.”
“Same, Kimmy! Jusko, baliw ako sa Meteor Garden dati. Taped kami manood para dire-diretso, walang tulugan. Nakaka-sad naman. RIP, Shan Cai (cry and pray emoji).”
Naalerto naman ang ilang netizens sa klase ng sakit na nakuha ni Barbie Hsu at kumitil sa kanyang buhay.
Ani ng netizen, “Grabe, is it an isolated case? O ano na namang flu meron d’yan sa region na ‘yan?”
Hala!
Ex-GF, 11 yrs. na raw nagpauto, eto na naman…
DANIEL AT KATHRYN, NAG-UUSAP NA ULI
Good news para sa mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Pumutok ang balitang nag-uusap na muli ang ex-on-and-off-screen partners pagkatapos ng mahigit isang taong paghihiwalay.
Ibinulgar ni Cristy Fermin sa kanyang radio show sa Radyo Singko ng TV5 kasama sina Rommel Chika at Wendell Alvarez na nagkakausap na muli sina Kathryn at Daniel.
Ayon kay Tita Cristy, “Meron po kaming mga impormanteng hindi nanununog at nangunguryente na nagpaabot sa ‘min ng impormasyon na nag-uusap na raw po ngayon si Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo.
“Pero ito po ay puwedeng i-deny ni Daniel at ni Kathryn, at puwede rin naman po nilang panindigan kung totoong naganap ito.”
Nagbigay din ng clue si Tita Cristy kung sino ang kanyang source na lalong nagpatibay sa balitang nag-uusap na ang ex-lovers.
“Ang bridge, hindi po namin babanggitin ang pangalan ng best friend ni Kathryn Bernardo na malapit kay Daniel Padilla, pero s’ya pala ang nag-uugnay sa dalawa,” pagri-reveal ni Tita Cristy.
Sa pagkakaalam namin, ang komedyanteng si Alora Sasam ang best friend ni Kathryn sa showbiz, gayundin si Ria Atayde, kung saan kinuha niya si Kathryn bilang abay sa kasal nila ni Zanjoe Marudo at, recently, ninang ng firstborn nila na si Sabino.
For sure, may iba pang source si Tita Cristy na tinutukoy niyang best friend ni Kathryn at malapit kay Daniel sa parehong panahon.
Ang importante, nagkaroon ng slim chance ang KathNiel fans na posible pa ring magtambal sa pelikula at telebisyon ang kanilang mga idolo, kung hindi man magkatuluyan sa totoong buhay.
Sey naman ng mga netizens, “Not a BIG deal. I don’t see anything wrong if they remain civil. Si Kathryn pa, na mabait na tao.”
“Mabait pero madaling mautu-uto ni Daniel. Kaya umabot ng 11 years kasi marupok kay Daniel. That’s love. Love is blind, ‘ika nga. Desisyon niya kung magpauto ulit.”
“Oh, ano? Good news ‘yan para sa ‘kin? Ewan ko lang sa iba (peace emoji).”
Comments