top of page
Search
  • BULGAR

Tagumpay ng PVL Draft combine pinuri ng coaches at officials

ni Gerard Arce @Sports | June 28, 2024



Sports News

Pinuri ng iba't ibang coaches at pinuno at kinatawan ng bawat koponan ang isinagawang Draft Combine ng Premier Volleyball League (PVL) upang masaliksik at mapag-aralan ang kapasidad at kakayanan ng 47 rookie hopefuls at ibang free agents na dumalo sa nasabing 2-day event. 


Inihayag ni Strong Group head of volleyball operations Kiara Cruz na magiging malaking tulong para sa ZUS Coffee ang pagpili ng mga kakailanganing manlalaro matapos ganapin ang 2nd day ng scrimmages ng draft aspirants at free agents sa Gameville Ball Park, ang opisyal na outfitter ng combine. 


Mayroon lang 6 na manlalaro ang Thunderbelles na kinabibilangan ng mga dating produkto ng College of Saint Benilde na sina playmaker Cloanne Mondoñedo, spikers Gayle Pascual at Jade Gentapa at middle blocker Michelle Gamit, habang parte rin ng grupo si dating JRU hitter Dolly Verzosa at Mary Joy Onofre, na siyang mga natira sa nagdaang komperensiya. “It’s definitely a big event sa amin to be here kasi kailangan pa namin punan 'yung slots for ZUS,” wika ni Cruz. 


Pareho rin ang pakiramdam nina champion coaches at Rebisco Company head coaches Dante Alinsunurin ng Choco Mucho Flying Titans at Sherwin Meneses ng Creamline Cool Smashers sa preparasyon nila sa pagpili ng 11th at 12th pick sa Draft Day sa Hulyo 8 na gaganapin sa Novotel, ang opisyal na venue partner ng PVL. 


Nakatakdang sumunod sa ZUS Coffee sa drafting ang Capital1, Galeries Tower at Farm Fresh na kukumpleto sa Top 4, habang nakalinya na rin ang Nxled, Akari, Cignal, PLDT, Chery Tiggo, Petro Gazz at ang dalawang finalists ng nagdaang 2024 All-Filipino Conference.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page