ni BRT @News | August 16, 2023
Muli umanong nagsinungaling sa publiko si Makati City Administrator Claro Certeza nang ipahayag niya na tinanggihan ng mga opisyal ng Taguig City ang alok ng Makati na ipagpatuloy ang pagbibigay ng libreng gamit sa 30,000 mag-aaral na apektado sa pinal na desisyon ng Korte Suprema na ilipat ang hurisdiksyon ng 10 barangay mula Makati pa-Taguig.
Sinabi umano ni Atty. Certeza na ang alok ay ginawa sa isang pulong na ipinatawag ng Department of Education na dinaluhan nina Mayor Abby Binay ng Makati at Lani Cayetano ng Taguig. Ang sadyang hindi niya umano isiniwalat ay siya mismo ay 'di
dumalo sa pulong noong Hulyo 18.
Hiniling umano ng Taguig sa Makati na magbigay ng datos ng bilang ng mga mag-aaral sa bawat antas ng baitang, bilang ng mga empleyado ng paaralan na kinukuha ng lungsod, mga uri ng benepisyong ibinibigay sa mga mag-aaral at guro, at iba pang nauugnay na impormasyong kinakailangan para sa pagpaplano para sa mga paaralan sa EMBO. Gayunman, binalewala umano ng Makati ang kahilingan.
Sa kabila ng mga hadlang at pagkaantala, handa umano ang Taguig na ipaabot sa mga mag-aaral sa EMBO ang lahat ng mga benepisyong ibinibigay sa mga kasalukuyang mag-aaral ng lungsod.
תגובות