top of page
Search
BULGAR

Tagapagsalita ng mga lalaking mal*bog… SEN. ROBIN, SENADOR PERO WALA RAW ALAM SA FAMILY CODE

ni Ambet Nabus @Let's See | August 18, 2024


Showbiz News
Photo: Sen. Robin Padilla / FB

May mga nagsasabing umaarte lang daw si Sen. Robin Padilla nang umakto itong walang alam sa idini-discuss ni Atty. Lorna Kapunan in one of the Senate hearings. Patungkol nga sa usaping ‘consensual sex at marital rape’ ang topic sa mga couples at rights ng mga kababaihan. 


Kunwari raw kasing inire-represent ni Robin ang sektor ng mga kalalakihang ang tingin lang sa mga asawa o babae ay sex object o mga partner na kailangang mag-serve sa “sexual urge o l*bog” ng mga asawang lalaki o partner. 


Sa bersiyon kasi ng senador, tinatanong nito kung ano ang legal na pananagutan ng isang lalaking “kating-kati” na mapagbigyan ng asawa dahil aniya, “Mahirap tiisin ang 30-minuto na urge.”


At sa naging paliwanag ng mahusay na abogada, pinayuhan nitong magdasal, o manood ng Netflix o huwag pilitin ang isang babae o asawa kapag hindi nito gustong makipag-sex sa partner batay na rin sa bagong Family Code. 


Sey pa ng netizen, “Kung nagmamaang-maangan si Robin na ‘di siya aware sa mga batas under New Family Code, well, ‘di talaga s’ya nag-aaral bilang senador lalo’t nag-iimbita sila ng mga resource persons o authorities to discuss such a topic in the Senate. Trabaho n’ya ‘yun bilang senador. At kung umaarte nga s’ya to represent ‘yung mga lalaking gaya n’ya ay malil*bog at ‘di aware sa batas, well, narinig naman n’ya ang maayos na paliwanag.”


Showbiz Photo
Photo: Sen. Robin Padilla / FB

May ilang netizen pa nga ang nagpahayag ng pagkaawa umano kay Mariel Rodriguez na asawa ni Robin dahil kung tunay daw na ganu’n si Robin sa totoong buhay, eh, “alipin, sex object o taga-silbi” lang daw pala sa kama ang umano’y tingin nito sa asawa? 


Aguy, uy!


 

Nakakatuwa naman ang kuwento tungkol sa pangalan ng panganay na anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan. Kaya pala naging Juan Paolo Martin Valenciano ang buong pangalan ni Direk Pao ay dahil nu’ng ipinanganak ito, wala si Gary at napakisuyuan nga nitong ang kaibigang si Martin Nievera ang umalalay at mag-take video sa panganganak ni Angeli. 


Ang siste, hindi naman pala nalagyan ni Gary ng ‘bala’ ang noo’y videocam kaya’t kahit nangarag daw si Martin na gawin ang ipinakiusap ng kaibigan, wala ring napanood si Gary, hahaha!


“Happily I obliged,” sey ng Concert King. 


At bilang grateful sa effort at friendship ni Martin, idinagdag nga ang pangalan na Martin sa ngayo’y kilalang direktor ng mga concerts na si Direk Pao, bukod pa sa naging ninong niya ang Concert King. 


And come September 27, muli silang magkakasama dahil sa 42nd anniversary ni Martin in the industry, si Paolo nga ang magdidirek ng concert nito sa Araneta Coliseum. Billed as The King 4Ever, tribute concert ito kay Martin sa bonggang 42 years niya sa music/showbiz industry na ipinrodyus nina Ogie Alcasid, Cacai Velasquez-Mitra at tatampukan din ni Regine Velasquez at surprise “Queen” guests at iba pa. 


“I will just be an artist who's going to do my regular thing. Walang mga playlist-playlist dahil I will sing songs that made people know me. Ang abangan nila ay ‘yung mga paandar ng production since this will also be my homecoming sort of concert at the Big Dome at this time na iba na ang karamihan sa audience natin. But of course, ‘yung mga lola-lolo diyan na pupunta at makikisaya, sure they are still my audience,” saad pa ni Martin Nievera.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page