ni Mai Ancheta | June 3, 2023
Idineklara na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang opisyal na pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.
Nangangahulugan ito na nagtapos na ang summer season o panahon ng tag-init at magkakaroon na ng pagbabago sa panahon sa mga susunod na araw.
Dahil magsisimula na ang rainy season, aasahan ang mga pag-ulan sa hapon o gabi sa maraming lugar sa bansa.
Dahil may nakaambang El Niño, sinabi ng PAGASA na aasahan ang mas malakas na
Habagat na inaasahang maghahatid ng mas malakas na mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA OIC Esperanza Cayanan, ang manaka-nakang pag-ulan at ang pagdaan ng Bagyong Betty pati na ang Habagat na nagdulot ng malawakang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ay indikasyong nagsimula na ang tag-ulan sa bansa lalo na sa Climate Type I.
Comments