top of page
Search
BULGAR

Tabogon, nakasalba; Talisay City malinis ang kartada sa Vismin Cup

ni Anthony E. Servinio / Gerard Peter - @Sports | April 19, 2021




ALCANTARA— Nanindigan ang Tabogon sa krusyal na sandali para maisalba ang panalo laban sa Dumaguete, 86-78, habang nanatiling malinis ang marka ng MJAS Zenith-Talisay City Sabado ng gabi sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa Alcantara Civic Center sa Southern Cebu.


Naghabol ang Voyagers sa 12 puntos sa second period, ngunit nagpakatatag sa second half, tampok ang 11-5 run ng sa third period para sa 60-55 bentahe. Hataw si Joemari Lacastesantos sa naiskor na 18 puntos, anim na rebounds at siyam na assists para sa ikalawang panalo sa apat na laro ng Tabogon. Nag-ambag si Peter De Ocampo ng 15 puntos, habang kumana si Normel Delos Reyes ng 14 puntos, 3 rebounds, at 2 steals. Sunod na makakaharap ng Tabogon ang MJAS-Talisay (4-0) sa Martes, ganap na 4:00 ng hapon, habang mapapalaban ang Dumaguete sa KCS-Mandaue (2-1) sa Miyerkoles ganap na 4:00 ng hapon. Nanatiling malinis ang karta ng MJAS Zenith-Talisay City matapos pabagsakin ang kulang sa players na ARQ Builders Lapu-Lapu City, 84-75.


Hindi nakalaro sa Heroes ang mga suspendidong sina Jojo Tangkay, Reed Juntilla, Monbert Arong, Dawn Ochea, at Ferdinand Lusdoc bunsod ng kontrobersyal na laro laban sa napatalsik na Siquijor. Sa kabila nito, nagawang makaabante ng Lapu Lapu, ngunit matatag ang MJAS sa pangunguna ni Patrick Cabahug na kumana ng 17 puntos, 5 rebounds at 8 assists. “Kailangan talaga magising ang team namin,” pahayag ni MJAS coach Aldrin Morante. “Lahat ng teams dito gusto kami talunin. Magigising talaga kami ngayon.”

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page