ni Lolet Abania | November 26, 2022
Inanunsiyo ng CAVITEX Infrastructure Corporation (CIC) na magsisimula na silang mangolekta ng dagdag sa toll rates sa mga motorista na bumabagtas sa mga segments ng CAVITEX C5 link sa Nobyembre 27, 2022.
Para sa mga motorista, epektibo 12:01AM ng Linggo, ang sumusunod na provisional toll rate ay ipapatupad sa CAVITEX C5 Link:
• P35.00 sa Class 1
• P69.00 sa Class 2
• P104.00 sa Class 3
Sakop ng Segment 1, ang kahabaan ng Taguig hanggang Merville, habang ang Segment 3.2 ay nakasakop naman sa Merville hanggang E. Rodriguez.
Ayon sa pamunuan ng CAVITEX, “Segment 3.2 or the CAVITEX C5 Link flyover extension was opened to the motoring public last August 14, 2022, extending the length of the operational segment of the expressway by 1.6 kilometers and allowing more convenient access and improved travel time for those bound to C5 Road in Taguig from Merville, Parañaque, and vice versa.”
Sinabi rin ng management na inumpisahan na nila ang bagong traffic schemes upang maisaayos ang daloy ng trapiko sa lugar, habang binuksan na rin ang bagong Merville exit ramp noong nakaraang Oktubre.
Aabot ang buong CAVITEX C5 Link sa kabuuang 7.7km at kokonekta sa CAVITEX sa 2023.
Ayon pa sa pamunuan ng CAVITEX, layon nito na makatulong na mabawasan ang travel time ng 30 hanggang 45 minuto sa mga motorista na bumibiyahe mula CAVITEX patungong Makati, Taguig, at Pasay, atd vice versa. Ang proyektong ito ay makatutulong din para i-decongest ang pangunahing mga lansangan gaya ng EDSA at MIA Road.
Ang CIC ay isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation at joint venture partner ang Philippine Reclamation Authority para sa CAVITEX C5 Link.
Comments