ni Lolet Abania | May 16, 2021
Naglabas ng anunsiyo ang North Luzon Expressway (NLEX) sa lahat ng motorista para sa karagdagang toll fee na ipapatupad sa Mayo 18, kasabay ng pag-apruba ng Toll Regulatory Board (TRB).
Simula sa Martes, magtataas ang NLEX ng kanilang toll fees ng 2 hanggang 3 percent. Para sa mga motorista na bumibiyahe mula Mindanao Avenue o Balintawak at sa Bocaue ang exit, ang nakatakdang toll fee ay ayon sa mga sumusunod:
• Class I vehicles o ordinary cars ay magbabayad ng karagdagang P2.00;
• Class II vehicles o buses at maliliit na commercial trucks ay magbabayad ng karagdagang P3.00; at
• Class III vehicles ay magbabayad ng karagdagang P4.00.
Para naman sa end-to-end travels, ang Class 1 vehicles ay may dagdag na bayad na P6.00; Class 2 ay P14.00; at Class 3 ay P16.00.
“The regular adjustment is primarily intended to allow the investor to keep on operating the expressway to the standards that we require them,” ani TRB Spokesperson Julius Corpuz.
“It also allows the investor to continue doing the widening and expansion work for the facility to be more efficient,” dagdag nito.
Samantala, ang 105-kilometer NLEX ay nagko-connect sa Metro Manila patungong central at northern Luzon, kung saan ang nag-o-operate nito ay NLEX Corp. Gayundin, ang NLEX Corp. ang may hawak ng concession ng 8-kilometer NLEX Connector Road, isang all-elevated highway na naka-link naman sa NLEX at South Luzon Expressway.
תגובות