top of page
Search

Taas-singil sa kuryente ngayong Nobyembre – Meralco

BULGAR

ni Lolet Abania | November 9, 2022



Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagtaas ng singil sa kuryente ngayong Nobyembre.


Sa isang advisory ngayong Miyerkules, sinabi ng Meralco na tinatayang nasa P0.084/kwh ang magiging dagdag sa billing statement ng mga customers.


Ayon sa Meralco, nasa P9.9472/kWh na ang singil sa kuryente ngayong Nobyembre kumpara sa P9.8628/kWh noong Oktubre.



Para sa mga kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan, magkakaroon ng dagdag-singil na P16.80, sa mga kumokonsumo ng 300kwh ay nasa P25.20, sa kumokonsumo ng 400kwh ay nasa P33.60, at kumokonsumo ng 500kwh ay nasa P42.00.


Ayon pa sa power distributor, ang dagdag na singil sa kuryente ay bunsod ng P0.0725 na pagtaas sa generation cost.


Habang tumaas naman ng 1.19 centavos/kWh ang transmission taxes at iba pang singilin para sa residential electric consumers.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page