ni BRT @News | Feb. 24, 2025
File Photo: Electric meter - Circulated
Asahan umano ang taas-singil sa kuryente sa Marso.
Ito ay matapos aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang dagdag-singil para pondohan ang mga planta para sa renewable energy.
Ang singil na P0.0838/kWh ay magiging P0.1189/kWH na sa Marso. Katumbas ito ng P7.02 dagdag sa bill sa mga kumukonsumo ng P200 kWH sa isang buwan.
Kailangan umano ng dagdag-singil dahil nauubos na ang pondo para sa renewable energy ng bansa.
Sinabi naman ng Meralco na tagasingil lamang sila nitong Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) charges at hindi sa kanila napupunta kundi nire-remit nila sa TransCo.
Comments