Taas-singil sa kuryente
- BULGAR
- 14 hours ago
- 1 min read
ni BRT @News | Apr. 12, 2025
Asahan ang taas-singil sa kuryente ngayong Abril matapos ianunsyo ng Meralco ang pagtaas sa P0.72 kada kilowatt-hour (kWh) dahil sa mas mataas na generation at transmission charges.
Hindi umano sapat ang P0.20/kWh refund ng kumpanya para mapantayan ang pagtaas, kaya’t asahang sisirit ang kabuuang bayarin ng mga konsyumer.
Kung saan sa 200kWh ay may dagdag na P145; P216 sa 300kWh; P288 sa 400kWh at P360 naman sa 500kWh.
Ayon pa sa Meralco, tumaas ang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ng P3.4205/kWh dahil sa manipis na suplay ng kuryente sa Luzon nitong Marso.
Tumaas din ang singil mula sa power supply agreements (PSAs) ng P0.2811/kWh, habang ang transmission charge ay nadagdagan ng P0.0809/kWh dahil sa mas mataas na ancillary service charges mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Comentarii