ni Angela Fernando @Entertainment News | August 3, 2024
Naglabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang executive order para taasan ang sahod at mabigyan ng karagdagang allowance ang mga manggagawang nagtatrabaho sa pamahalaan.
Nilagdaancni Executive Sec. Lucas Bersamin sa kapangyarihan ng Pangulo ang Executive Order No. 64, nu'ng Agosto 2, 2024.
Kinumpirma ng Palasyo na agaran ang bisa nito pagkatapos mailathala sa Official Gazette o sa isang pahayagan na may malawak na sirkulasyon.
“Given the prevailing economic circumstances, including the erosion of purchasing power due to inflation, there is a need to update the salaries and benefits of government personnel in order to maintain a competent, committed, agile, and healthy workforce, thereby promoting social justice, integrity, efficiency, accountability, and excellence, and ultimately translating to increased productivity and higher-quality public service,” saad ng Presidente.
Nakapaloob sa nasabing kautusan na ang huling pagtataas ng sahod ng mga manggagawa sa gobyerno ay nu'ng 2023, nang mag-expire ang ika-4 at huling tranche ng binagong salary schedule sa ilalim ng Salary Standardization Law ng 2019.
Comments