by BRT | January 30, 2023
Sa panibagong taas-presyo ng petrolyo, nanawagan ang mga transport group sa gobyerno ng regular ayuda.
Ayon sa grupo, dapat ay bigyan din sila ng tuluy-tuloy o regular na ayuda nang tulad sa mga benepisyaryo ng 4Ps, senior citizens at iba pa, at hindi tuwing may oil price hike lang.
Ayon sa oil industry, ngayong linggo, posibleng umabot sa P0.60 hanggang P0.80 ang taas sa kada litro ng diesel habang P1.20 hanggang P1.40 naman sa gasoline.
Kaya ang panawagan ng transport group, bigyan ng fuel subsidy ang lahat ng Public Utility Vehicles (PUVs) at pati sa probinsiya.
Inihihirit din nila na ibalik ang service contracting sa mga jeepney tulad ng ginawa noon sa EDSA Bus Carousel.
Comments