ni BRT | February 9, 2023
Nasa 76 na produkto na pangunahing bilihin ang pinayagang magpatupad ng taas-presyo, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Kasama umano rito ang ilang brand ng karneng de-lata, sardinas, kape, instant noodles, gatas at tinapay.
Nasa P2 ang aprubadong dagdag-presyo sa Pinoy Tasty, kalahati sa hirit ng manufacturers na P4, habang P1.50 naman sa Pinoy Pandesal.
Nasa 1 hanggang 15 porsyento ang inaprubahang increase sa food items habang mas malaki ang dagdag-presyo sa mga non-food item.
Agosto pa noong isang taon huling naglabas ng suggested retail price (SRP) ang DTI dahil masusi anilang pinag-aralan ang mga petisyon na taas-presyo.
“Itong mga manufactured food product naman, bihirang-bihira mag-figure sa consumer basket na ginagamit sa pag-measure ng inflation, so karamihan doon mga agricultural products. Ang manufactured good products hindi ganoon kalaki ang impact doon sa consumer o budget ng consumer,” ani Trade Undersecretary Ruth Castelo.
Nasa P1.50 ang pinayagang taas sa ilang brand ng sardinas sa halip ang hirit nila na P3.
Comments