ni BRT | March 18, 2023
Posibleng magtaas ng presyo ng isda kasunod ng oil spill sa Oriental Mindoro, ayon sa isang opisyal.
Sa pahayag ni Nazario Briguera, spokesperson ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kung maging limitado ang supply ng mga isda sa bahagi ng Oriental Mindoro, posibleng tumaas ang presyo.
Gayunman, hindi pa umano nakikita o nararamdaman ang kakulangan sa supply sa isda sa bahagi ng Mindoro.
Aniya, 3 porsyento ng food production sa Mimaropa ay nanggagaling sa Oriental Mindoro. Isa rin ang Batangas sa mga nag-aangkat ng isda mula sa naturang probinsya.
Comments