top of page
Search
  • BULGAR

Taas-pasahe sa MRT, next

ni Mai Ancheta | June 21, 2023




Hihirit din ng fare increase ang Metro Rail Transit (MRT) 3, matapos mapagbigyan ng dagdag-pasahe ang Light Rail Transit 1 at 2.


Ito ang kinumpirma ni Department of Transportation Assistant Secretary for railways Sector Jorjette Aquino sa Laging Handa public briefing nitong Martes.


Ayon kay Aquino, nakatakdang isumite ng MRT 3 ang kanilang petisyon sa loob ng dalawang linggo sa DOTr kaya pag-aaralan ang kahilingan ng mga ito.


May mga pamantayan aniyang tinitingnan ang Rail Regulatory Unit ng DOTr sa mga ganitong petisyon para malaman kung nakakatugon o nakakasunod ang MRT 3.


Kabilang sa titingnan ng RRU ay kung sumusunod ang petitioner sa procedural requirements, legal requirements at maging sa teknikal na aspeto partikular na sa serbisyo ng kanilang mga train.


Titingnan din aniya kung ang hinihinging dagdag-pasahe ay naaayon sa kondisyon sa kasalukuyang sitwasyon.


Huling nagtaas ng pasahe ang MRT 3 noong 2015, o walong taon na ang nakaraan.


Hinihiling ng MRT 3 na makapagtaas ng P2.29 bilang dagdag-pasahe sa boarding fee habang P.21 per kilometer naman para sa distance fare.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page