top of page
Search

Taas-kontribusyon sa Pag-IBIG, start sa 2024

BULGAR

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 8, 2023




Ipapatupad na ng Pag-IBIG Fund ang naantalang pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro simula Enero 2024.


Kinumpirma ni Pag-IBIG CEO Marilene Acosta sa isang panayam na tuloy na tuloy na ang premium hike.


Saad niya, “We are just waiting for PBBM’s, not his approval because the Board approved it already. We just informed PBBM.”


Binigyang-linaw ng Pag-IBIG chief na walang tumututol sa Malacañang hinggil sa planong pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro.


Aniya, gusto lang nila makatanggap ng kasulatan galing sa presidente ngunit ang nasabing plano ay long overdue na.


Sa ilalim ng patakaran sa kontribusyon ng pondo, ang monthly fund salary (MFS) ang batayan ng 2% na rate ng kontribusyon, o katumbas ng P5-K kada buwan.


Kasalukuyang ang average premium ng mga miyembro ay nasa P100 kada buwan na parehas sa binabayaran ng kanilang employer para sa pondo ng saving ng mga miyembro.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page