top of page
Search
BULGAR

Sweet na sweet daw sa set… IBINUKING NI DIREK: FRANCINE AT SETH, MORE THAN FRIENDS NA

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 30, 2024



Photo: Seth at Francine Diaz - IG Seth Fedelin


Nangangamoy blockbuster sa takilya ang first movie team-up nina Francine Diaz at Seth Fedelin na My Future You (MFY) sa direksiyon ni Crisanto Aquino at ipapalabas on December 25.


Since Facebook (FB) friends kami ni Direk Crisanto or Cris, nag-PM (private message) kami sa kanya ng ilang mga katanungan tungkol sa kanya at sa movie niya na MFY. And of course, tungkol sa tambalang FranSeth.


“Malakas ang FranSeth fans, grabe,” sey sa amin ni Direk Cris when we asked him kung ano ang chance ng MFY sa takilya. 


“Lumalaban talaga sila and sobra akong thankful sa kanila. Laging trending ang FranSeth at My Future You tuwing may ganap kami. 


“Napakasisipag nila at sobrang mahal na mahal nila ang FranSeth and I know, after nilang mapanood ito, lalo nilang mamahalin ang FranSeth dahil these young actors are our next biggest stars,” papuri ni Direk Cris sa FranSeth.


Matindi rin ang makakasabay sa takilya ng MFY sa Kapaskuhan. Karamihan sa mga bida ng iba pang entries sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ay mga box-office stars.

“Honestly, kami yata ang may pinaka-young leads sa lahat ng entry, ng FRANSETH mga Gen Z ‘to at 1st film nila as love team. I think it’s a compliment kung mako-consider kami na dark horse kasi meaning, may laban kami either sa awards or box office,” confident na sabi ni Direk Cris.


Dugtong pa niya, “Pero at the end of the day, this is the most celebrated film festival in the Philippines, kaya masama lang dito ay sobrang blessing na. More than the competition I see this as a celebration of the film industry.”


Ang MFY ay ang ikalawang pelikula ni Direk Cris sa MMFF. Una siyang nakasali sa MMFF noong 2019 via the movie Write About Love (WAL).


“Masaya ang MMFF experience ko noon kaya sobra akong happy and blessed na nakapasok kami and me returning to MMFF, kasi ibang experience talaga s’ya at hindi lahat ng filmmakers ay nabibigyan ng chance dito, kaya sobrang thankful ako,” lahad pa niya. 

Ibinuking naman ni Direk Cris sa amin na sobrang sweet sa set sina Francine at Seth. 


“Sobrang sweet nila and what I see is beyond friendship at nakakakilig ‘yung makita sa kanila ‘pag magkasama sila. Kung ano man meron sila or status nila ngayon,  I think it’s something very very SPECIAL,” diin ni Direk Cris.


Ang MFY ay kuwento tungkol kina Karen (Francine Diaz) and Lex (Seth Fedelin) na nagkakilala sa isang online dating app pero nabubuhay sa dalawang magkaibang timeline na may agwat na 15 years. 


May isang comet ang makakatulong sa kanila para magpang-abot ang kanilang “panahon.” At mare-realize nila ang kakaiba nilang sitwasyon. 


Magkasama sila para baguhin ang kanilang nakaraan at ang kinabukasan.


“Actually, isinulat ko ‘yung script noong 2020. It was initially for TBA Studios but we had the pandemic. They decided to cancel the project. Then I presented the material to Ms. Roselle (Monteverde), who instantly fell in love with it. There were other stars considered for this project, but Ms. Roselle ultimately chose FranSeth. And now, I must state that this project is truly for the two,” sey pa ni Direk Cris.


 

Nag-number one ang bagong drama series ni Julia Montes na Saving Grace (SG) sa Prime Video Philippines.


Kinumpirma ito ng Dreamscape Entertainment, ang producer ng SG sa kanilang socmed (social media) post nu’ng Thursday night.


Ito ang post ng Dreamscape, “#1 SERIES IN PRIME VIDEO PHILIPPINES!!! Maraming salamat sa suporta mga Kapamilya! #SavingGrace now available for streaming in over 240 countries and territories. Download Prime Video and subscribe to watch #SavingGrace! New episodes drop every Thursday!”


Ang SG ay Philippine adaptation ng Japanese hit drama series na Mother.

Bukod kay Julia, kasama rin sa main cast sina Megastar Sharon Cuneta at ang newest child star na si Zia Grace. Ang iba pang nasa cast ay sina Jennica Garcia, Sam Milby, Christian Bables, AQ, Elisse Joson, Andrez Del Rosario, Sophia Reola, Adrian Lindayag, Aya Fernandez, Mary Joy Apostol, Eric Fructuoso, and Fe De Los Reyes.


Presented by ABS-CBN Studios and Japanese entertainment powerhouse Nippon TV, Saving Grace debuted last November 28. It exclusively streams on Prime Video.

0 comments

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page