top of page

Sweet ang image sa harap ng kamera… KATHRYN, PATAGO MAG-VAPE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 27, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 27, 2023




Hindi big deal para sa amin kung totoo man na nagbe-vape si Kathryn Bernardo. Kung tutuusin ay hindi na siya teen-ager. ‘Yung ibang young stars nga ngayon, bukod sa nagyoyosi na, tumotoma pa.


Nasanay lang siguro ang publiko sa sweet image ni Kathryn, kaya shocking para sa kanila na malamang naninigarilyo pala ito o nagbe-vape.


Tao lang naman si Kathryn at may kalayaan siyang gawin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya. Besides, hindi naman ito nakakasira sa kanyang pagkatao at hindi niya ito lantarang ginagawa sa publiko.


Kahit artista si Kathryn na iniidolo ng mga kabataan ay kailangan ding magpakatotoo siya sa kanyang sarili.


Naalala tuloy namin noong nadismaya kami sa aming idolong Movie Queen nang makita namin ito na naninigarilyo at tumutungga ng beer kapag wala sa harap ng kamera.


Napaka-sweet kasi ng image ng aming idolong Movie Queen kaya shocked kami nang makita namin ang tunay niyang pagkatao.


Ganunpaman, nananatili naman siyang sweet, humble at mabait sa kanyang mga fans, kaya mataas ang respeto sa kanya ng lahat.


Hindi kabawasan sa pagkatao ni Kathryn ang kanyang paninigarilyo o paggamit ng vape dahil professional naman siya pagdating sa trabaho.


1 Comment


Adam Stephens
Adam Stephens
Oct 06, 2023

When I first saw beautiful photographs of fields taken in front of a camera, I was struck by their beauty and simplicity. Golden loaves of bread, poppies against a blue sky, lavender fields - these pictures of fields always delight me. It seems that nature created them specifically to be captured in photographs. These images remind me of the beauty that surrounds us every day and how important it is to stop and enjoy that beauty.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page