ni Gerard Peter - @Sports | April 20, 2021
ALCANTARA – Target ng MJAS Zenith-Talisay City ang makasaysayang ‘sweep’ sa first round sa pakikipagtuos sa Tabogon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Visayas leg ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup ngayon sa Alcantara Civic Center sa Cebu. Nakatakda ang kasaysayan sa kauna-unahang pro basketball league sa South ganap na 3:00 ng hapon, kung saan target ng pre-tournament favortite Aquastars na mahila ang malinis na marka sa 5-0.
Samantala, inanunsyo ng Games and Amusements Board (GAB) nitong Linggo ang suspensyon ng Mindanao leg ng Vis-Min Super Cup upang isailalim ang buong liga sa isang matinding pagsusuri. Nakatakdang magbukas ang Mindanao division leg sa Mayo 20 sa Dipolog City, sa oras na magtapos ang Visayas championship makaraan ang isang linggo. Kabubukas lamang ng naturang division nitong Abril 9 na inilatag ng pitong koponan mula sa Mystics, Heroes, MJAS Zenith Talisay, KCS Computer Solutions Cebu City, Tubigon-Bohol, Dumaguete Warriors at Tabogon Voyagers, habang maghihintay sana ang mga koponan mula sa Mindanao division na katatampukan ng Basilan Peace Riders, Cagayan De Oro Rafters, Zamboanga Los Valientes, Pagadian Explorers, Roxas Vanguards, Sindagan Saints, Tawi-Tawi; Valencia City, Bukidnon at Ozamiz.
Rerepasuhin din ng GAB ang opisyal na ulat ng kanilang mga opisyales na nakatutok sa Vis-Min Cup bubble. Nais nilang tukuyin ang mga pananagutan sa pangangasiwa ng liga sa kanilang lisensya, gayundin ang posibilidad na pagpapatuloy ng kasong kriminal kung ginagarantiyahan ng mga pangyayari.
Kinokondena naman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang nangyaring insidente. Nakaligtas naman sa ‘lifetime ban’ ang dalawang miyembro ng Mystics na sina Miguel Catellano at Michael Sereno na parehong nasa injured lists, habang si Vincent Tangcay ay hindi naman nakapaglaro ng kahit isang segundo sa naturang laro.
Commentaires