top of page
Search
BULGAR

Swak daw sa pandemic… ANGEL AT NEIL, PINURI SA SOBRANG SIMPLENG KASAL

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 09, 2021



Walang ibang balita ngayon about showbiz kundi ang pagpapakasal nina Angel Locsin at Neil Arce.


Marami ang naghihintay sa magarbong kasalan ng celebrity couple tulad ng sinabi ni Neil last year, pero hindi natupad dahil nagpakasal na ang dalawa kamakailan.


Civil wedding ang nangyari kina Angel at Neil na dinaluhan lang ng 10 katao.


Last August 7 ay inianunsiyo ng aktres na officially Mrs. Arce na siya ngunit hindi niya binanggit ang eksaktong petsa ng kanilang kasal pero nangyari raw ang civil wedding last week pa.


Napakasimpleng wedding ang nangyari dahil ang OOTD nina Mr. & Mrs. Arce ay naka-white top, black jeans at sneakers lang.


Ayon sa kanilang event planner na si La Bell Fete, ang gusto raw ng couple ay "Things simple, nothing pretentious, warm, welcoming, not too feminine, raw, and real."


Caption naman ni Angel sa mga ibinahaging wedding post, "Namimilipit pa ako sa kilig..."


Ayon pa sa aktres, kinunan ang mga larawan, "Sa parking lot sa may tabing bahay. Nagmukhang ibang bansa!"


Ang nag-preside ng kasal nina Angel at Neil ay si Taguig City Mayor Lino Cayetano.


Reaksiyon naman ng mga netizens sa kasal ng celebrity couple: “Congrats and best wishes to both. Sa panahon na ang daming brides ang nape-pressure na pabonggahin ang kasal nila dahil sa society, ‘yung pandemic talaga, tinuruan tayong bumalik sa basic.”


“This is so SUDDEN!!!”


“Wala ‘yan sa kasal, nasa pagsasama. Congrats Neil and Queen Angel, best wishes. Angel deserves all the love and happiness.”


“Ano sudden doon? Dapat nga November pa nangyari ang wedding naunahan lang ng pandemic. Then they tried to do it sa Baguio, naunahan naman ng controversy ng pa-party ni Tim Yap. I guess they gave in to the reality of COVID and sinimplehan na lang muna kaysa nagtagal pa ang wedding.”


“Tama! It brings home the point, the union, symbolism of marriage is more important than the pomp and circumstance. With simplicity, ramdam mo ‘yung sincerity at solemnity ng occasion talaga.”


“Wahh! I'm really happy for you Angel and Neil! Congrats, lodi!”


“Congrats! Napakasimple ng kasal, I love it....”


“Napaka-cool ng wedding nila, baks! Napakasimple lang, pati pics nila, ang gandang tingnan, ‘yung mga tawa nila. Take note, tawa talaga. Ang saya ng ambiance.”


“Salamat naman at na-realize nila na saka na lang ‘yung kasalan na maraming tao.”


“Sobrang sayang tingnan ng mga pics nila, ang gaan at feel na feel mo ‘yung love nila para sa isa’t isa. Tawa kung tawa talaga. Am happy for you, idol, Miss Angel. At last! And I love how Mommy Jean loves you so much.”


“All the means but they chose to celebrate in a very simple way. Congrats! This is so beautiful.”

“They look genuinely happy. Hindi pa-fame.”


“WOW. Imagine that! Walang arte. Just Love! Love! Love!”


“Ang galing!! Wala man lang lumabas o tsismis. Napaka-intimate talaga ng wedding nila.”

“Sobrang genuine ng emotions at happiness nila, hay.”


“To think na kayang-kaya niyang magpakabongga sa kasal pero sinimplehan lang talaga. Breaking the stereotype pa kasi bakit hindi puwedeng ‘di mag-dress ang bride.”


“Alam naman nating the Delta variant is causing havoc in the metro. So dapat ganyan lang, what is important, married na sila. Legal na. Congrats Angel and Neil.”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page