ni Jasmin Joy Evangelista | November 3, 2021
Tuloy-tuloy na ang deployment ng mga OFW sa Israel matapos ang ceasefire sa pagitan nito at ng Palestine.
Ngayon ay nangangailangan ang Israel ng 500 home-based caregivers.
Tinatayang nasa 5,300 NSI (New Israeli Shekels) ang buwanang sahod o aabot sa P77,320.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), kailangan lang ang mga sumusunod na qualifications:
* Filipino citizen
* At least 23 years old
* At least 1.5 meters ang taas
* At least 45 kg ang timbang
* BS nursing or BS physical therapist graduate or nakatapos ng 10 taon ng pag-aaral at may TESDA certification na NCII para sa caregiving at may 760 oras ng training
* English language proficiency
* Hindi pa nakapagtrabaho sa Israel
* Walang magulang, asawa o anak na nagtatrabaho o nakatira sa Israel
* Malusog ang isip at pangangatawan
* May NBI clearance
Government-to-government ang hiring kaya sa POEA lang puwedeng mag-apply o sa https://www.onlineservices.poea.gov.ph/
Kung interesado, mag-register lang sa POEA website at sundin ang instructions.
Susuriin ng POEA ang online application at magbibigay ng schedule para sa interview, submission of documents at pre-recruitment briefing para ipaliwanag ang proseso ng pagpili ng mga Israeli employer.
Comments