ni Angela Fernando - Trainee @News | April 12, 2024
Humingi ng tawad si Senador Francis 'Chiz' Escudero nitong Biyernes, Abril 12, matapos mahuli sa EDSA bus lane ang isang sports utility vehicle (SUV) na may protocol license plate no. 7 na inisyu sa kanyang pangalan.
"In the morning of 11 April 2024, a vehicle bearing protocol license plates issued to me was apprehended by the MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) for improperly using the bus lane on Edsa. The use of the protocol plate was unauthorized, as the vehicle was being driven by the driver of a family member," saad ni Escudero sa kanyang pahayag.
"I apologize to the public and my colleagues in the Senate for this oversight. Moving forward, I commit to ensure that the protocol plates entrusted to me are used appropriately, consistent with the provisions of Executive Order No. 56, s. 2024," dagdag niya.
Binigyang-diin din ni Escudero na nalabag ang batas sa paggamit ng No. 7 protocol plate sa loob ng bus lane dahil hindi pinapayagan ang mga sasakyang may ganitong plaka sa loob ng nasabing daan.
Pinuri naman ng senador ang mga otoridad para sa kanilang pagiging mapanuri at muling ipinahayag ang kanyang suporta sa mga pagsisikap ng pamahalaan na tiyaking sinusunod ng lahat ang mga batas trapiko sa Metro Manila.
Comments