top of page
Search
BULGAR

Susuot sa butas ng karayom si Judoka Watanabe sa Olympics

ni Gerard Peter - @Sports | June 25, 2021




Bilang kauna-unahang Filipinang judoka sa Summer Olympic Games si 4-time Southeast Asian Games gold medalist Kiyomi Watanabe, isa rin sa mga ninanais ng pamunuan ng national judo team ay masungkit ng anumang medalya sa quadrennial meet.


Aminado si Philippine Judo Federation (PJF) President David Carter na mahirap na makamit ang naturang paghahangad sa Olympic Games, higit na sa darating na 2020+1 Tokyo Olympics, ngunit nakikinita nito na maaaring magkaroon ng tsansa ang 24-anyos na Filipino-Japanese na makapitas ng medalya sa Olympic Games na magsisimulang magbukas sa Hulyo 23-Agosto 8 sa Tokyo, Japan.


We can’t predict the chances in judo. Prior to Asian Games 2018 (Jakarta-Palembang), nagkaroon ang mga Japanese official’s ng side na magiging Japan vs Japan ang labanan, but on that competition, only one pure Japanese is being played, and the other Japanese player na tinutukoy nila is Kiyomi, so anything can happen inside the mats,” pahayag ni Carter, kahapon sa lingguhang TOPS Usapang Sports on Air. “First time tayo nagkaroon tayo ng silver medal sa Asian Games, we don’t want her to pressure, generally all our national athletes, pero kapag andun na siya sa competition, hopefully palarin. I know she will do her best. Yung pinapakita niya sana galingan niya,” wika ni Carter.


Nakapasok ang Cebu City-born, Japan-based Pinay athlete sa bisa ng Asian Continental Quota na inanunsyo ng International Judo Federation (IJF) nitong nakalipas na Miyerkules. Pasok sa 41st ranking sa world 2017 European Open Championship sa pamamagitan ng 1,506 points sa women’s under’63kgs category.


Nabigo itong makakuha ng direct qualification sa nakalipas na 2021 World Judo Championships nitong nagdaang Hunyo 6-13 sa Laszlo Papp Sports Arena sa Budapest, Hungary matapos maagang maputol ang kampanya nito sa second round ng women’s under-63kgs category.


Ilan umano sa mabibigat na makakatapat ni Watanabe sa light-middleweight category ay sina World No.1 Clarisee Agbenenou ng France, 2016 Rio Olympics gold medalist Tina Trstenjak ng Slovenia, Miku Tashiro ng Japan, Olympics bronze medalist Sanne Vermeer ng The Netherlands at mga high-ranked competitors.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page