ni Angela Fernando - Trainee @News | January 29, 2024
Nais ng Philippine National Police (PNP) na ihirit sa Department of Justice (DOJ) ang paglalabas ng immigration lookout bulletin order (LBO) laban sa pangunahing suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon na si dating Police Major Allan de Castro.
Saad ni PNP PIO Acting Chief Col. Jean Fajardo, nagpasa ang CIDG ng petisyon upang makapagsagawa ng preliminary investigation sa regional level.
Kasalukuyang hinihintay pa na maglabas ng resolusyon kaugnay dito upang tuluyang makapag-request sila sa DOJ ng LBO.
Saad ni Fajardo, “As soon as makapaglabas ng resolution ang regional state prosecutors handling the case and then we will be coordinating and requesting yung ating mga prosecutor handling the case para magsubmit tayo ng request sa DOJ for possible release or issuance yung tinatawag na immigration lookout bulletin order."
Paglilinaw ni Fajardo, maaari pa ring makalabas ng 'Pinas si de Castro kahit na magpalabas pa ng LBO para sa kanya.
Dagdag niya, may mga katanungan lang na dapat nitong masagot kung nais niyang lumabas ng bansa kapag sila ay nasa LBO.
Patuloy naman sa pag-iimbestiga ang PNP sa pagkawala ng beauty queen.
Comentários