top of page
Search
BULGAR

Sushi bake, kering-kering gawin sa bahay!

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 6, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Heads up mga sushi lovers! Gusto n’yo bang subukan ang sushi bake sa inyong tahanan? Well, well, well, ito na mga mamsh!

Simpleng recipe lang ang kailangan. Para sa toppings: 3/4 cup Japanese mayo (substitute: regular mayonnaise with rice wine vinegar and sugar), 1/4 cup cream cheese, softened, Asian chili sauce (maaari ring gumamit ng sriracha, Japanese chili oil), 1/2 cup ebiko/tobiko, 1 lb salmon chopped.

Ito naman ang mga kakailanganin para sa sushi: 3 tbsp. rice wine vinegar, 3 cups cooked rice, Furikake (optional), Nori sheets.

I-combine ang Japanese mayo, softened cream cheese, chili sauce at chopped salmon o kani, atbp. para sa sushi topping. Paghaluin ang rice wine vinegar at cooked rice sa oven-safe tray. Lagyan ng furikake ang rice in an even layer. Maaari ring gumamit ng sesame seeds at shredded nori kung wala kayong furikake. Ilagay ang sushi topping sa rice in an even layer din at lagyang muli ng furikake. I-bake sa broiler o maaari ring gumamit ng oven, in 500 degrees sa loob ng 10 minuto hanggang maging bubbly. Siyempre, i-serve ito by sccoping into nori sheets at ayan, meron na kayong sushi bake!

Maaari ring tignan ang pepper.ph para sa iba pang recipe na nais ninyong subukan.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page