top of page
Search
BULGAR

Survival kit, makatutulong sa panahon ng sakuna

by Info @Editorial | Oct. 31, 2024



Editorial

Sa tuwing may bagyo, pagbaha, lindol at iba pang kalamidad, muling bumabalik ang tanong: handa ba tayo sa mga sakunang maaaring dumating? 


Ang responsibilidad ng bawat isa na maging handa ay hindi dapat ipagwalang-bahala. Isang mahalagang hakbang ang pagkakaroon ng survival kit. Ito ay hindi lamang isang simpleng bag na puno ng mga gamit kundi ito’y simbolo ng paghahanda at pag-iingat. 


Dapat itong maglaman ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at tubig, first aid kit, flashlight, baterya, at iba pang kagamitan na makatutulong sa panahon ng sakuna. 


Sa pagkakaroon ng ganitong kit, nagiging handa tayo ‘di lamang sa pisikal na aspeto kundi maging sa mental na paghahanda sa mga hindi inaasahang pangyayari.


Sa halip na maghintay na lamang sa tulong ng iba, ang pagkakaroon ng survival kit ay isang hakbang upang maprotektahan ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay. 


Kaya marapat lang na himukin ang bawat isa na magkaroon ng sariling survival kit at suriin ito nang regular. 


Makipag-ugnayan din sa mga komunidad upang mag-organisa ng mga seminar sa tamang paghahanda sa sakuna. 


Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagbibigay ng impormasyon, makakamit natin ang mas ligtas na komunidad.




0 comments

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page