top of page
Search
BULGAR

Surplus na COVID-19 vaccines ng Canada, gustong bilhin ng ‘Pinas


ni Lolet Abania | June 28, 2021



Nagpahayag ng intensiyon ang Pilipinas na kunin ang ilang natitirang COVID-19 vaccines mula sa Canada bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na magkaroon ng mas maraming supply ng bakuna.


Sa isang Palace news conference ngayong Lunes, sinabi ni Philippine Ambassador to Canada Rodolfo Robles na mayroong inaasahang surplus ang Canada ng tinatayang 100 milyong doses ng COVID-19 vaccines.


“We are being listed among those who are interested to partake of the excess of the 100 million (doses). They expect to have a full vaccination of everybody by the middle of the fourth quarter,” ani Robles.


“Before the end of the year, we will know how [much] excess Canada will have. I am really watching with an eagle eye on the prospect of getting some excess directly from Canada.”


Ang United States of America (USA), na kalapit na bansa ng Canada, ay isinama na ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang makatatanggap ng bahagi ng kanilang donasyong milyong doses ng COVID-19 vaccines, kung saan nai-pledge ito ni US President Joe Biden nito lamang buwan.


Noong nakaraang linggo, binanggit naman ni Manila Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez na nasa 800,000 hanggang 1 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang maide-deliver sa Pilipinas sa susunod na buwan.


Samantala, naitanong ni Robles sa Medicago, isang Canadian biopharmaceutical company, ang tungkol sa pagkakaroon ng isang vaccine manufacturing plant sa Pilipinas.


“I offered our pharmaceutical ecozone in Bulacan, I think and I gave them all the perks of having manufacturing [operations] in the Philippines like free taxes, free capital importations and the like,” sabi ni Robles.


Aniya pa, inaasahan niya na ang negosasyon ay agarang magpapatuloy kapag ang non-disclosure agreement na nais ng Medicago ay pinirmahan na ng gobyerno. Ang Medicago ay kasalukuyang nagde-develop ng isang plant-based COVID-19 vaccine.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page