ni Rohn Romulo - @Run Wild | October 05, 2021
May panawagan si Aiko Melendez sa kanyang IG post para sa mga boboto sa 2022 national election at sa mga nanlalait-nangmamaliit sa mga artistang tatakbo na gusto lang ng pagbabago at maglingkod.
Sabi ng premyadong aktres, “Ngayon ang tamang panahon para ang mga boboto ay titingin sa plataporma ng bawat kakandidato. Suriing mabuti. 'Wag pera-pera ang tingnan. 'Yung walang bahid ng corruption dapat.”
Sa pagpapatuloy niya, “Du'n sa mga taong maliit malimit ang tingin sa mga tatakbong artista po, 'wag n'yo lahatin, pumili ng kakampi na maaasahan n'yo dahil malay n'yo, 'yung kumakandidato na 'yun ang manindigan sa mga taong nawalan ng trabaho sa entertainment industry.
“Isipin nating mabuti kung ilang libo ang nawalan ng trabaho sa mga kasamahan natin sa ating mundo na ginagalawan. Mahalaga sa bawat tao ang marunong manindigan. 'Yung kaya kayong tayuan, may kapalit man o wala. In public service, wala dapat safe side, paninindigan ang mahalaga.
“Kapag wala tayong tao na mapagkakatiwalaan na maging boses natin sa entertainment industry, paano naman din 'yun? Matatalino na ang mga tao ngayon.
“Ngayon tayo magsama-sama na kilalanin ang mga karapat-dapat na maging boses ng industriya natin. Mapa-national, local or anumang posisyon… Hindi naman lahat ng artista na tatakbo, ibig sabihin, bored lang, walang magawa dahil pandemya, matuto rin tayong tumingin kung anong klaseng artista ang ating pipiliin. Hindi lahat ng artista, trapo. Marami nga d'yan, 'di artista, pero ano ba napala natin?”
Marami naman ang nag-agree sa opinion ni Aiko. Ilan dito ang mga celebrity friends niyang nagpapakita ng suporta sa kanyang muling pagsubok sa pulitika.
Comments