ni Lolet Abania | November 27, 2022
Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang malayong baybayin ng Cortes, Surigao del Sur ngayong Linggo ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Alas-12:43 ng hapon, naitala ang lindol na tectonic ang pinagmulan habang may lalim na 11 kilometro. Namataan ang epicenter nito ng 35 kilometro northeast ng Cortes ng naturang lalawigan.
Nakapagtala naman ng Intensity II sa Tandag, Surigao del Sur at Intensity I sa Cabadbaran City, Agusan del Norte.
Ayon sa PHIVOLCS, kahit na walang pinsala na naiulat, asahan na ang mga aftershocks matapos ang lindol. Una nang nai-report ng PHIVOLCS ang lindol na nakapagtala ng magnitude 5.2, subalit ni-revise ito sa magnitude 5.0.
Comments