ni Lolet Abania | June 27, 2021
Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Surigao del Sur na nasa 14 kilometro timog-silangan sa bayan ng Cagwait ngayong Linggo nang hapon, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naramdaman ang lindol bandang alas-3:14 nang hapon na tectonic in origin at may lalim na 26-kilometro.
Nakapagtala naman ng Intensity III sa Bislig City. Ang pagyanig ay nagtala rin ng Instrumental Intensity II sa Surigao City; Gingoog City, Misamis Oriental; at Abuyog, Leyte, habang Instrumental Intensity I sa Cagayan de Oro City.
Walang namang naiulat na napinsala matapos ang lindol.
Gayunman, pinapayuhan ng PHIVOLCS ang publiko na mag-ingat sa posibleng mga aftershocks.
Bình luận