ni Mharose Almirañez | May 26, 2022
Natatakot ka bang ma-ghost o mauwi ulit sa trial card ang pakikipag-talking stage sa dating app/site kaya pinangungunahan mo na ang kapalaran at iniisip na mauulit lamang ang nangyari noon, kaya nagpe-play safe ka ngayon?
‘Yung tipong, mas binibilang mo pa ‘yung napakarami niyang red flags o mga dahilan kung bakit hindi mo siya dapat piliin, sa halip na maging risk taker, spontaneous or go with the flow ka.
Ngunit paano kung sa kakahanap mo ng red flags sa ka-internet love mo ay hindi mo namamalayang ikaw na pala ang red flag? Naku, beshie, very wrong ‘yan! Kaya bago mo pa tuluyang ma-absorb ang pagiging red flag, narito ang ilang warning signs na ikaw talaga ang red flag at hindi siya:
1. MABILIS KANG MA-TURN OFF. Nawawala agad ‘yung excitement or thrill kapag na-discover mong hindi pala siya katangkaran, panget ‘yung accent niya, mukha siyang jejemon, undergraduate, minimum wage earner at bread winner… Feeling mo naman ay isa kang expensive, gold, high maintenance, and you deserve someone better. Kaya tingin mo, red flag na agad siya, pero ang totoo, standards mo talaga ang may problema.
2. INOORASAN MO ANG REPLY NIYA. Kapag napapansin mong nagiging masaya ka na sa pakikipag-usap sa kanya, binabagalan mo na ‘yung reply. ‘Yung tipong, iki-click mo pa ‘yung messages niya at titingnan kung ilang minuto o segundo ang interval ng replies niya sa ‘yo. Super malala ka na talaga kapag umabot sa point na hinihintay mong mag-3 to 5 minutes muna bago siya replayan.
3. BORING KA-CHAT. ‘Yung tipong, kahit kapalagayan mo na siya ng loob ay tsina-challenge mo pa rin siya, katulad ng pag-o-observe kung paano niya mapapahaba ‘yung conversation n’yo sa tuwing open-ended ang reply mo sa kanya. Pero dahil palagay na ang loob niya sa ‘yo, aakalain niyang okey lang na “Haha” na lang ang i-reply niya sa ‘yo. Ngunit ang totoo, hinihintay mo siyang mag-initiate ng bagong topic at kung hindi niya magi-gets ang logic — thank you, next!
4. HINDI KA NAGDO-DOUBLE CHAT. Let’s say, nag-good night ka sa kanya kagabi, ngunit paggising mo ay hindi ka pala niya ni-reply-an ng “Sleep well” o ni-flood chats habang natutulog ka, and worst thing is, wala man lang siyang “Good morning” sa ‘yo. Siyempre, bilang ma-pride na nilalang, hindi ka mauunang mag-good morning sa kanya.
5. FEELING DYOWA KA NA. ‘Yung pinagbabawalan mo na siyang gawin ang mga bagay-bagay without your permissions at nire-require mo na rin siyang mag-update sa ‘yo from time-to-time, to the point na sinimulan mo na rin ang pagso-soft launching o pag-flex sa kanya sa social media kahit hindi pa naman kayo officially. Akala mo ba, nasu-sweet-an siya sa ‘yo? Nakakasakal ‘yan, beshie! Kumbaga, invasion of property ‘yan, lalo’t binabakuran mo ang hindi mo naman pagmamay-ari.
6. NAGME-MENTION KA NG IBANG PANGALAN. ‘Yun bang napapadalas ang pagbanggit mo sa pangalan nu’ng mga dati mong naka-talking stage, naka-meet o nakarelasyon sa tuwing kausap mo siya. Tapos bigla kang magiging sad boy/girl na para bang nanghihingi ka ng simpatya mula sa kanya. Siyempre, gusto mong i-comfort ka niya kasi ikaw ‘yung biktima sa sarili mong kuwento. Naku, beshie, para-paraan ka lang!
7. MARAMI KANG KAUSAP. Hindi naman required ang maging loyal sa talking stage, pero paano mo makikilala ang isang tao kung marami kang reservations? May the fast replier wins, ganern? Ano bang feeling kapag limang tao ‘yung taga-eat well at naggu-good morning sa ‘yo? Bigas reveal naman, beshie!
8. MASYADO KANG TOO GOOD TO BE TRUE. Bukod sa pagiging successful in life ay taglay mo na rin ang ideal height, body and looks, tapos consistent pa ang pagiging sweet and concern mo sa kanya. ‘Yun bang napakabilis mong mag-reply at hindi ka boring kausap. Masyado ka ring maunawain at hindi magagalitin kahit late reply siya sa ‘yo. Kumbaga, para kang walking green flag. Almost perfect ka na, kaso wala kang flaws—at ‘yun ang pinaka-nakakatakot.
9. ‘PAG IPINAKILALA MO NA SIYA SA FRIENDS/RELATIVES. Masasabing nag-level up na kayo sa talking stage kapag umabot na kayo sa puntong ito. ‘Yun nga lang, may pagka-manipulative ang dating nito, lalo’t kakakilala n’yo pa lang naman dahil lumalabas na wala na siyang kawala sa ‘yo, the moment na ipinakilala mo siya sa mga taong nakapaligid sa ‘yo. Kumbaga, mag-e-expect na sila sa kausap mo. Dapat ay low key lang muna, unless the status is stated.
Sabi nga ni Taylor Swift, “Loving him was red,” kaya hindi mo dapat katakutan ang red flags. Not because you guys didn’t into serious relationship ay dehado ka na. Nangangahulugan lang ito na you’re strong enough para sumugal sa taong hindi ka sigurado. Napakahirap naman kasi kung itinago mo lang ‘yung feelings mo, tapos puro ka what ifs in the end.
Gayunman, kung gusto mo talagang mag-work kayo ng kausap mo, dapat mo nang iwasan ang mga nabanggit na pag-uugali dahil kung ipagpapatuloy mo ‘yan ay hindi nakapagtatakang mawalan ka talaga ng kausap. Ayaw mo naman sigurong mag-ghost nang ma-ghost at mauwi sa puro trial cards, ‘di ba?
Comments