ni Mharose Almirañez | June 9, 2022
Marupok kang maituturing kung isang “Hi” o “Slr” lang ng nang-ghost sa ‘yo 1 week ago ay mas mabilis pa sa kidlat ang reply mong “Hello. Okey lang. Kumusta?”
A friendly reminder: Hindi ka PDF file na puwedeng ma-attach basta-basta. Kaunting pakipot naman d’yan, especially girls, hindi porke trending ang pagiging marupok ay makikiuso ka na rin. Have some dignity, okie?!
Pero paano nga ba maiiwasang hindi ma-fall sa taong ka-chat mo araw at gabi?
Bilang concerned citizen, narito ang ilang tips:
1. HUWAG MAG-GOOD NIGHT. Hindi totoong may multo sa gabi, pero maraming nanggo-ghost. ‘Yung tipong, kung anu-ano na ang naging topic n’yo kagabi, pero kinabukasan ay biglang hindi ka na niya chinat. Tip no. 1, huwag kang maggu-good night para may dahilan kang mag-good morning sa kanya kinaumagahan. Take note, mag-good morning sa paraang hindi mawawala ang iyong dignidad. Halimbawa, “Sorry, hindi na kita na-reply-an kagabi. Nakatulog na ako, eh. Btw, good morning.” Proven and tested na ang ganyang strategy para mapahaba ang inyong conversation hanggang sa mga susunod pang araw.
2. HUWAG MANGULIT SA CHAT. Alam kong masaya ka sa tuwing kausap siya, pero know your place, beshie. Huwag na huwag mong sasanayin ang sarili mo na ka-chat siya kada minuto dahil super ma-a-attach ka talaga sa kanya kapag ginawa mo ‘yang hobby. Halimbawa, seen niya lang ‘yung last message mo, then after 2 hours ay seen pa rin. Tip no. 2, ‘wag na ‘wag kang magpa-flood chat sa kanya ng, “Busy ka ba?” “Uyyy, ano’ng ginagawa mo?” “Seen lang?” etc., somehow nakakakilig ‘yan, but at some point, medyo nakaka-turn off din. Better to keep it low key sa tuwing nami-miss mo siya. Instead na mangulit sa kanya sa chat box, magmaganda ka na lang sa IG stories mo. Post a selfie or something na sigurado kang mapapa-reply talaga siya sa ‘yo. Subok ko na ‘yan, beshie!
3. BAGALAN ANG PAG-REPLY. ‘Yung tipong, masaya kayong magkausap, pero biglang hindi mo muna siya re-reply-an. Kumbaga, gagawin mong ‘cliffhanging’ ‘yung conversation n’yo. Halimbawa, may interesting question siya sa iyo, ‘wag mo munang sagutin para mabaliw siya kaiisip sa isasagot mo. I’m sure, beshie, he/she’s into you na kapag kinulit ka niyan.
4. DALANGAN ANG PAG-COMPLIMENT SA KANYA. Mayroong iba na nagbabardagulan sa chat box as their word of affirmation. Iba’t iba rin naman ang trip natin. Normal lang na puriin mo siya, pero huwag na huwag mo siyang sasambahin. Mainam kung once in a blue moon niya lang marinig ‘yung compliment galing sa ‘yo. Kumbaga, out of nowhere mo siyang sinabihan ng “Mas bagay sa ‘yo ‘yung clean cut,” mga ganyan.
5. HUWAG KANG AAMIN. Sabi nga nila, nawawala ang thrill kapag nagkaaminan na. Kaya ‘wag na ‘wag mong pakakawalan ang magic word na “Gusto kita”. Ang tanong, paano kayo magle-level up kung walang maglalakas-loob na umamin? (Okey lang ‘yun para pare-pareho tayong sad. Damay-damay na ‘to. Charot!)
Napakaraming relasyon ang nagsimula sa chat, ngunit marami rin ang nagtapos dahil dito. ‘Yung akala mo, single siya kaya ine-entertain mo ang pakikipag-chat niya. ‘Yung hoping kang i-flex ka niya, ngunit kalaunan ay jowa niya ang nag-flex sa ‘yo sa social media as third party na hindi dapat tularan.
Lesson learned, tiyakin munang single ang ka-chat bago maging totally invested sa feelings. Hindi masama ang mag-play safe. Ang masama ay ‘yung mag-take ng risk sa taong hindi ka sigurado sa totoong intensyon sa ‘yo. Okie?
Comments