ni Lolet Abania | March 10, 2021
Sinuspinde ni Chief Justice Diosdado Peralta ang serbisyo ng Supreme Court (SC) mula Marso 11 hanggang Marso 14 upang magbigay-daan sa disinfection at sanitation ng mga opisina at gusali nito para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Nagdesisyon si Peralta na itigil muna ang mga trabaho sa SC dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases at ang pagkalat ng mga bagong variants nito na nakapasok sa bansa.
Gayunman, sa memorandum circular ni Peralta, ang mga on-duty personnel tulad ng medical at dental services, security at maintenance divisions at ang Office of Administrative Services ay papayagang mag-report sa mga nabanggit na araw.
Ang mga naitakdang meetings ng mga komite bago pa ang suspensiyon ay papayagang isagawa depende sa deskrisyon ng committee heads, habang ang mga chief ng mga opisina ay dadalo lamang kung kinakailangan.
Gayundin, mula Marso 15 hanggang 19, lahat ng opisina ay mananatili sa skeletal workforce na 50% para sa patuloy na pagkakaroon ng physical distancing ng six feet.
Comments