ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 11, 2023
Magkakaroon ng sapat na suplay ng agrikultural na produkto sa bansa sa panahon ng kapaskuhan, ayon sa Department of Agriculture (DA).
"We can assure na for the coming season, yung ating mga basic agricultural key commodities, we have enough supply para ngayong darating na holiday season," pahayag ni DA Spokesperson Arnel de Mesa ngayong Lunes.
"Sa pork at chicken, we have enough supply. Sa manok ay over production tayo. Sa karneng baboy, bagamat kulang tayo nang konti ay nakapagprograma na agad ng importation through the Bureau of Animal Industry,” dagdag ni de Mesa.
Binanggit din niya na tuloy-tuloy ang sapat na ani ng bigas, na nagsasabing nakaambang makamit ng bansa ang 20 milyong metrikong tonelada at karagdagang 295,000 metrikong toneladang imported na bigas mula sa India.
Idinagdag pa ng opisyal ng Agrikultura na inaasahan nilang makapagtala ang bansa ng mas magandang rate sa produksyon ng agrikultura ngayong taon.
"We're hoping na pagdating nitong 4th quarter, na ilalabas yung datos early next year ay talagang makabawi na yung agriculture sector,” sabi ni de Mesa.
Comentários