ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | April 3, 2022
Dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa, unti-unti nang nabibigyan ng pagkakataon na bumangon muli ang tourism industry.
Dumarami na ang mga lugar na nasa Alert Level 1 and 2, na senyales ng pagkahanda na muling tumanggap ng mga turista.
Isa ang turismo sa mga sektor na pinakanaapektuhan ng pandemya. Noong 2020, umabot sa P400 billion ($8.3 billion) ang revenue loss ng bansa dahil sa pagtigil ng turismo.
☻☻☻
Nanawagan tayo sa Department of Tourism na bigyan ng lahat ng kinakailangang promotional, training, at financial support ang mga tourist sites ngayong niluwagan na ang travel restrictions.
Ilan sa mga suportang dapat ibigay ng DOT ay marketing support para ma-recover ang market share, maibalik ang visitor confidence at awareness.
Malaki rin ang maitutulong ng training para sa mga tourism workers. Kailangang magtulungan din ang DOT at mga local government unit sa pag-update sa mga local tourism plans nang masigurong compliant at naka-adjust na ito sa new normal.
Dapat ding simulan na ang mapping ng tourism sites and establishments nang ma-monitor ang compliance ng mga ito sa mga health protocol, structural/configurational retrofitting, staff orientation, at contact tracing measures.
☻☻☻
Marami pang oras, effort, at resources ang bubunuin bago natin maabot ang pre-pandemic numbers sa turismo.
Ngunit naniniwala ako na kapag naisaayos ang key performance indices sa tourism industry sa new normal setting, malaki ang tsansa na magtuluy-tuloy ang pagsigla ng ekonomiya ng bansa.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments